THE AQUARIUS MAN

1
125

LOVE

Once na magmahal ang isang Aquarius man, hindi niya alam kung paano niya ito ipapakita. Maaari siyang magpakitang gilas sa’yo at i-build up sa’yo ang kanyang sarili o ipakita sa’yo ang kanyang mga katangian pero mabobored ka sa paghihintay kung ano ang ibig niyang sabihin o kung may damdamin ba siya para sa’yo. Kulang sa confidence ang isang lalaking Aquarius para ipakita ang kanyang tunay na nararamdaman. Mahirap i-handle ang isang Aquarius man kung siya ay karelasyon mo na. Maaaring hindi siya ganon kadaling masaktan pero once na ma-realize niya na hindi mo siya nirerespeto bilang kapareha, doon na siya magsisimulang dumistansya. Ang maganda lang sa pakikipagrelasyon sa isang Aquarius man, mapagkakatiwalaan mo siya. Wala siyang pakialam sa iyong nakaraan at hindi rin siya seloso.

SEX

Maaari mo siyang maka-sex kahit saan, anytime you want. May malaki siyang appetite pagdating sa sex. Sa kabila nito ay kaya rin niyang tumagal nang walang sex. Kahit pa abutin ng ilang buwan o taon. Kaya ang ibang zodiac ay naco-confuse sa kanyang pagkatao. Marami ang nag-iisip na siya ay isang baliw kung nasa harapan na niya ang isang kaaakit-akit at perpektong babae na pwede niyang makapareha sa sex pero mas pipiliin pa rin niya ang mag-isa. Ito ay dahil naniniwala ang Aquarius man na kung ang babae ay totoong nagmamahal sa kanya ay makakaya niyang maghintay kung kailan niya gustuhin na magkaroon sila ng sexual moments. May mga pagkakataon rin naman na gusto niyang makipagsex nang madalas sa iba’t-ibang babae at hindi siya mahihiyang i-express ang kanyang sexuality kung hindi naman siya seryoso sa’yo.

CAREER

Ang Aquarius man ang pinaka objective sa lahat ng zodiac. Natural ang kanyang pagiging problem solver. Kaya’t kung siya ay katrabaho mo ay huwag kang mahihiyang lapitan siya at hingan ng tulong sa iyong problema. Maaaring hindi niya ibigay sa’yo ang eksaktong solusyon pero tutulungan ka niya kung paano makukuha ang solusyon sa problema mo. Gayunpaman, mananatili siyang nakadistansya sa kahit na kanino sa inyong mga kasamahan.  Ang kanyang pagiging talentado,independent, idealistic at humane ang kanyang sandata sa kanyang pag-iisa maging sa trabaho. Bagay sa isang Aquarius man ang career na Judge, Scientist, artist at environmental engineer.

FRIENDSHIP

Mahilig magbasa ang isang Aquarius man. Hindi siya yung tipo na mahilig sa gimikan.Mas gugustuhin pa niya na manatili sa loob ng kanyang kuwarto at magbasa ng libro kaysa manood ng sine at kumain sa labas. Hindi rin siya mahilig sa mga holidays at special occasions pero gusto niya ang siya’y nasosorpresa. Kung maiintindihan mo ang ganitong personality niya ay maaari mo siyang maging kaibigan. Okay sa kanya ang magkuwentuhan kayo tungkol sa mga librong inyong nabasa o kaya ay tungkol sa mga bagong gadgets na hindi nyo pa nasusubukan. Ngayon ay alam mo na kung bakit maliit lang ang circle of friends ng Aquarius man. Piling-pili lang talaga ang mga nakakaintindi sa kanya at ito ang kanyang mga close friends na piling pili lang din niya.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here