Tensyon sa Iraq, posible nga bang mauwi sa World War 3?

Posible nga bang maging mitsa ng ikatlong digmaang pandaigdig ang tensyon ngayon sa Iraq bunsod ng naging kamatayan ni Iran General Qasem Soleimani? Si Soleimani ang siyang pumapangalawa sa pinakamakapangyarihang lider sa bansang Iran, kasunod ng Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei. Siya rin ang sinasabing posibleng maging presidente ng kanilang bansa sa hinaharap. Pero ang posibilidad na ito ay tuluyang naglaho nang si Soleimani ay mamatay kasama ang isa pang commander na si Abu Mahdi al-Muhandis dahil sa pagpapabagsak ng mga missiles sa Bahgdad Inetrnational Airport.

Ang tatlong uri ng Katshuya rockets na bumagsak sa Bahgdad International Airport na naging dahilan ng sunog sa bahagi ng cargo terminal ay sinasabing isinagawa sa pag-uutos ni US President Donald Trump. Kaya naman ang pangyayaring ito ay nagpalala at nagpataas ng tensyon sa pagitan ng Tehran at Washington. Dahil sa takot na ang kaganapang ito ay maging mitsa ng World War3, inihanda na rin ng UK ang kanilang military sa Middle East.

Ayon sa US Department of defence, si Soleimani ay nagpaplano ng pag-atake sa American diplomats at service members sa Iraq at sa buong rehiyon. Si General Soleimani rin daw at ang kanyang Quds Force ang responsable sa kamatayan ng daan daang American and coalition service members at gayundin sa libo-libong sugatan. Sinabi ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na harsh revenge ang naghihintay para sa mga kriminal na pumatay kay Soleimani.

Dahil dito, nag-issue ng travel advisory ang US Embassy para sa lahat ng American citizen na lisanin ang Iraq sa lalong madaling panahon. Sila ay pwedeng umalis sa pamamagitan ng eroplano o sa mga kalupaan ng mga karatig bansa. Binalaan din nila ang  American citizens na huwag magpupunta ng embahada dahil maaari rin itong atakehin ng mga Iranian-backed militia. Inabisuhan na rin ang iba pang American citizens na nasa labas na huwag na munang magpunta sa Iraq para na rin sa kanilang seguridad. Pinag-iingat din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na nandoon. Ipanalangin natin na hindi ito mauwi sa World War 3 dahil napakaraming maaapektuhan.

This is a writer Opinion Editorial and not necessarily in line with the beliefs of PhilippineOne management

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here