Tatlong Uri Ng Kaibigan

0
141

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

KAIBIGAN MO FOR A REASON

Bakit nga ba tayo nagkakaroon ng mga kaibigan? Hindi lang sila pangdisplay sa ating buhay. Hindi lang sila pang-inuman o para makipagbonding sa mall. May dahilan kung bakit sila dumarating sa atin. Maaaring iba’t-iba pero may pakay ang tadhana para sa atin. Ang kaibigan mo for a reason, siya yung tipo ng kaibigan na makakatulong sa’yo sa problemang pinagdaraanan mo. Siya yung tipo na handa kang suportahan sa anumang bagay na nais mo o ginagawa mo. Pwede siyang maging dahilan ng iyong kabiguan o maging way para sa iyong tagumpay. Pwede siyang magstay o magwalk away sa iyong buhay, but for sure ito ay mangyayari matapos niyang magampanan ang role niya sa iyong buhay bilang kaibigan.

KAIBIGAN MO FOR A SEASON

Ito naman ang uri ng kaibigan na dumarating lang sa panahon na kailangan mo ng makakasama. Yung magpapangiti sa’yo. Yung magbibigay sa’yo ng isang karanasan na hindi mo malilimutan. Siya ang kaibigan na pwede mong makasama sa isang pagkakataon sa buhay mo para ibigay sa’yo ang experience na maaari ring makapagbigay sa’yo ng kakaibang saya and at the same time ay makuhanan mo ng aral. Pero hindi siya yung tipo ng kaibigan na pangmatagalan.  May bahagi lamang sa buhay mo na pwede mo siyang makasama but after that ay may kanya-kanya na ulit kayong buhay.

KAIBIGAN MO FOR A LIFETIME

Sa kategoryang ito naman nabibilang ang kaibigan na maaari mong tawaging bestfriend. Kung anuman ang role na ginagampanan sa iyo ng iyong friend mo for a reason at friend mo for a season ay maaari rin naman niyang gampanan at kaakibat nito ang pagbubuo ng pundasyon ng pagkakaibigan sa pagitan ninyong dalawa. Pag sinabing lifetime, siya yung kaibigan na kasama mo habambuhay, sa masaya man o malungkot na chapter ng iyong buhay. Yung tipong anuman ang pagdaanan nyo ay hindi ka niya iiwan lalo na sa mga panahon na ikaw ay naliligaw ng landas. Siya ang magtuturo sa’yo ng daan pabalik sa kung saan ka mapapabuti.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here