Tatlong Paraan Para Mahalin mo ang iyong sarili

Hindi naman matatawag na makasarili ka kung mas mamahalin mo ang iyong sarili kaysa sa ibang tao. Sa  totoo lang, mas maigi nga ito kung talagang ayaw mong masaktan at hindi maging madali sa iba na paikutin ka lang. O, handa ka na bang malaman ang Tatlong Paraan Para Mahalin mo ang iyong sarili?

Una, mas intindihin mo ang iyong sarili kaysa sa iba. Buhay mo ‘yan kaya dapat lamang na kung ano ang desisyon mo ay iyon ang masunod. Hindi maaari iyong gagawin mo ang isang bagay na alam mong hindi mo gusto para lang sa kasiyahan ng ibang tao. Halimbawa na lang, ibig ng parents mong kumuha ka ng kursong hindi mo gusto, sa palagay mo ba ay magiging masaya ka nu’n, siyempre hindi. Kaya, magkaroon ka ng lakas ng loob na ipaliwanag sa kanila kung anong gusto mo sa buhay para naman maunawaan ka rin nila.

Pangalawa, huwag  masyadong maging mabait.  Ang ibig kong sabihin, huwag naman iyong bigay ka na lang ng bigay. Kailangan naman ay magtira ka rin para sa sarili mo. Okay lang na magmahal ka  pero huwag naman iyong todo-todo. Kung minsan kasi ang sobrang kabaitan ay nagiging sanhi ng kapahamakan.

Pangatlo, gawin mo kung ano ang gusto mo. Sa pamamagitan nito ay magagawa mong maipakita sa lahat kung ano ba ang iyong kakayahan. Sa pamamagitan kasi nito ay mas nagiging the best ka dahil ginagawa mo ng maganda ang iyong trabaho.

1 COMMENT

  1. Ate pwede po bang mang hingi ng advice?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here