Tatlong Hamon na Pinagdaraanan ng mga LGBT

0
133

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

SARILI- Unang-unang nagiging hamon ng isang miyembro ng LGBT ang kanyang sarili. Sa simula pa lang ng pagiging isang LGBT ay nagkakaroon na siya ng pagkalito. Halimbawa, ang isang isinilang na lalaki ay may pusong babae, napagdaraanan niya ang times na hindi niya alam kung ano ba talaga siya. Kung lalaki ba siya o may pusong babae? Kapag naman natiyak na niya kung sino siya, dito naman umuusbong yung takot. Yung pag-aalinlangan na kaya ba niyang tanggapin ng buo ang sarili o kaya ba niyang ipatanggap sa iba ang kanyang sarili? May prosesong pinagdaraanan ang isang lesbian, gay,bisexual at transgender at somehow ay sila rin mismo ang makapag-aayos nito. Ang hamon sa kanilang sarili ay nakadepende sa mga pagdedesisyon na gagawin nila tungkol dito.

DISKRIMINASYON- Lahat tayo ay naging saksi kung paano hinuhusgahan ng komunidad ang mga tulad nilang LGBT. Kahit pa sa panahon ngayon ay tinatanggap na ito ng karamihan, mayroon pa ring mga tao na against dito. Marami pa rin ang humuhusga nang hindi tama. Hindi man ito isatinig ay mababasa mo na sa mga mata at pagkilos. Iba pa rin ang tingin nila sa mga LGBT. May pangugutya at may panglalait. Sa kabila nito, marami na rin naman ang nakakaunawa sa kanila kaya marami sa mga LGBT ang nakakaraos mula sa mapanghusgang pagtingin ng mga tuwid kuno.

HINAHARAP- Isa sa malaking paghamon na pinagdaanan at pagdaraanan pa ng mga LGBT ay ang kanilang hinaharap. Tulad ng ibang nakikipagrelasyon, sila ay umaasa rin sa forever. Pero gaano nga ba kahirap para sa kanila ang makahanap ng forever? Tulad na lang ng isang tomboy na nakilala ko,minsan ay naikuwento niya sa akin na sa dami ng nakarelasyon niya ay wala ni isa man ang naramdaman niya na nagseryoso sa kanya o sineryoso siya. Ang nangyayari raw ay napeperahan lang siya at saka siya ipinagpapalit sa iba. Kaya kung minsan napapaisip siya kung may magmamahal pa ba sa kanya ng totoo. May isang pagkakataon pa nga daw na natangay ng jowa niya ang mga ipon niya. Isang transgender naman ang nakausap ko na sa ngayon daw ay natuto na siya, buong tapang na niyang hinaharap ang hamon para sa kanyang kinabukasan. Yung tipong sinisiguro niya na may maganda siyang bukas anuman ang kahinatnan ng kanyang pakikipagrelasyon, dapat siyang maging matalino sa bawat pagdedesisyon na gagawin niya. Suwerte kung sa kanilang pagtanda ay may gagabay sa kanila meron man o walang laman ang kanilang bulsa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here