Tatangayin ka ng Kalungkutan

Ang lungkot kapag hinayaan mong nakadapo lang sa’yong puso ay para mo na ring hinayaang mawala ka sa’yong sarili. Marami ka kasing bagay na kalilimutang gawin kapag ikaw ay nalulungkot. Kabilang na rito ang pangarap mo at ang mga taong nakapaligid sa’yo. Kaag hinayaang mong maging malungkot ka dahil sa isang tao o sa kabiguan, pagbagsak ang kahahantungan mo.

Okay lang naman na maging malungkot tao kung hindi natin nakuha ang taong mahal natin o kaya naman ay nabigo tayo sa isa natin pangarap ngunit hindi mo dapat ito masyadong damdamin mo Mas makabubuti sa atin kung lagi nating iisipin na baka may next time pa o ang inilaan ng tadhana sa atin ay mas maganda pa.

Subalit, kung magiging mahina ka o pipiliin mong sumuko na lang agad baka naman mas gustuhin mong bumigay na lang. Naku, huwag mo naman gayahin ang ibang tao na pinipili na wakasan ang kanilang kalungkutan sa pamamagitan ng pagpapakamatay. Masarap mabuhay, tandaan mo. Ang kailangan mo lang gawin ay labanan ang iyong sariling kahinaan. Walang mangyayari kung pipiliin mong magpatalo.

Ang kalungkutan ay isang uri ng emosyon na may taglay na kapangyarihan para talunin ka. Bakit ka naman magpapatalo kung makakaya mo namang lumabas? Magkaroon ka ng pag-asa sa’yong puso at unti-unti mong tanggapin ang katotohanan na hindi naman lahat ng gusto mo ay makukuha mo gayunman hindi nangangahulugan na magiging bigo ka na. Kung minsan, kailangan mo lang talagang maghintay,

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here