Tara, Usap Tayo: 5 Communication Problems sa Relasyon

0
223

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Ang komunikasyon ay marahil ang pinakamahalagang sangkap sa isang matagumpay na relasyon-whether ito ay isang romantikong relasyon, isang pagkakaibigan, o isang kasamahan. Bakit? Read on.

Kung hindi ka marunong makipag-usap sa ibang tao ng maayos, ibig sabihin ay hirap kang maintindihan ang nararamdaman ng kahit sino. Isang factor dito ay kung mas madalas ay gusto mong ikaw lang ang pinapakinggan at hindi ka rin marunong makinig sa sinasabi ng ibang tao. Pero wala naman talagang nagturo sa atin kung paano makipag-usap di ba? Trial and error siya, kumbaga.

Pero ang nakakatuwa diyan, kapag kahit isang tao lang sa isang relasyon ay marunong makipag-communicate ng maayos, tumataas ang tsansa maging successful ang relasyon. Ito ay dahil matututo ang isa eventually na ma-adapt ang proper way of communicating. Yun nga lang, kapag parehas kayong hindi marunong makipag-communicate sa isa’t isa, maaaring masira ang relasyon ninyo.

Basahin ang 5 common communication problems sa isang relasyon na ito para malaman kung paano ninyo masosolusyonan ang relasyon ninyo:

  1. Lack of love and connection in communication

Kapag galing sa trabaho ang partner mo, dapat ay nagtatanong ka ng “Kamusta ang araw mo?” o di kaya kung galing ka rin sa trabaho, dapat ay hindi mainit ang ulo mo. Tandaan, kung ano ang stress mo sa work, dapat ay hindi mo dalhin sa bahay. Dapat pagdating sa bahay, dapat relaxation ang nasa utak ninyo. Kakaiba ang excitement at thrill knowing na ang kasama mo sa bahay ay sasalubungin ka kakausapin ka kung kamusta ang araw mo.

  1. Being passive aggressive with communication

Tandaan, ang pagiging tahimik kapag nagtatampo ka ay katumbas ng pagiging palasumbat at palasigaw sa isang relasyon. Hindi mareresolba ang away ninyo kapag hindi ka umiimik at nagsasalita sa totoong nararamdaman mo. Kung may sama ka ng loob, kailangan mo itong ipaalam sa partner mo. Hindi niya mahuhulaan ang problema ninyo, kaya dapat sabihin mo ito sa kanya.

  1. Hindi marunong makinig sa partner

Kung hindi ka marunong makinig sa partner mo, hindi kayo magkakaintindihan. The key to communication is listening to listen, and not to answer back.

  1. Not telling how you really feel

Huwag mo nang dalhin ang partner mo sa isang malaking puzzle na kailangan niyang i-figure out mag-isa. Partners kayo at tandaan mo ang kasabihan na “It takes two to tango”. Always be honest. Honesty can help you a lot with all your problems in life. If you live a life of honesty, you won’t always hide behind your emotions.

  1. Not controlling your emotions

Kapag nasa relasyon kung saan wala kang control sa mga bagay bagay katulad ang emosyon mo, madali kayong mapapagod ng partner mo. May instances dapat sa buhay mo kung saan tumitigil ka at nagrereflect. Hindi pwedeng kapag galit ka ay sisigaw ka kaagad. Take time to heal kahit masakit.

CONCLUSION

Sa love, hindi lang dapat dalawa ang nagwowork together para maging successful ang kanilang relationship; importante na nasa sentro ng relasyon ang Panginoon. Kapag kayo lang ang nag-eeffort at hindi kayo nagdadasal na magkasama, mabubuhay kayo na puro pansarili ninyo lang ang iniisip ninyo.

Ang pinakamahalagang gawin ninyo ay isipin na si God ang sentro ng buhay ninyo at siya ang dapat na nagpapatakbo sa relasyon ninyo.

More Relationships

More Heritage

More Filipino Teens

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

More Vegan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here