Taong Singko, Masusuwerte

Ako ay ipinanganak noong October 23 kaya masasabi kong masuwerte ako dahil Taong Singko ako. Kahit kailan kasi ay di ko naramdaman na sobra akong naghihirap. Gayunman, may mga pagkakataon naman na dumadaan ako sa mga pagsubok, mayroon naman mga tao sa aking paligid na nakakatulong para gumaan ang aking buhay. At naniniwala ako na kaya ganoon ang nangyayari sa akin ay dahil isa akong taong singko.

Ikaw, Taong Singko ka rin ba? Oo ang dapat mong isagot sa aking katanungan kung ikaw ay ipinanganak sa petsang 5,14 at 23. At para magabayan ka, ito ang dapat mong gawin para mabago ng tuluyan ang iyong kapalaran.

Una, magnegosyo. Ang Taong Singko ay maituturing na epektibong lider ng isang kumpanya lalo na kung may kinalaman ito sa paglalako o pagsisilbi kaya masasabi kong okay na okay ang pinili kong larangan. Siyempre iyon ay ang pagsusulat.

Pangalawa, mag abroad. Mapalad ang taong singko kung siya ay makakapag abroad. Sigurado kasing ikaw ay magtatagumpay dahil nga mapalad ka.

Pangatlo, mag asawa. Nakatakda kasing magkaroon ng masayang buhay pag aasawa ang taong singko lalo na kung ang makakapiling niya ay tulad niyang taong singko rin. Swak na swak kasi ang kanilang kapalaran.

O, ikaw, anong plano mo sa’yong buhay bilang Taong Singko?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here