Tanong mo Sagot ko May 31

860

1.John Dacuno

TANONG: Tanong ko lang, may pag-asa ba na suwertehin ako sa lotto na manalo ngayong taon?

SAGOT: May kalabuan. Higit kang masuwerte sa trabaho sa hinaharap kaysa pagtaya sa lotto.

  1. Emelyn Gesta

TANONG: Tanong ko po, ano po bang kapalaran ko ngayong taon , kung makakapasok po ba ako sa trabaho na inaaplayan ko?

SAGOT: Konting tiyaga at pagtitiis at makukuha mo rin ang trabaho na gusto mo. Medyo mailap pa sa ngayon pero darating ang suwerte sa’yo sa perpektong pagkakataon. Magtiwala sa kapangyarihan ng dasal.

  1. Ayesha Hyatti

TANONG: Anong kapalaran ko ngayong taon at sa susunod na taon?

SAGOT: Maging positibo at huwag palalampasin ang oportunidad na darating ngayong taon. Makakatulong ito para higit na mapabuti ang buhay mo sa susunod na taon.

  1. RheyNova Monteron Hechenova

TANONG: Tanong ko po, ano po ang kapalaran ko ngayong taon at sa susunod na taon? Magiging maginhawa na kaya ang buhay ko?

SAGOT: Hindi agad-agad subalit dahil sa iyong pagsisikap at kasipagan ay makakaranas ka rin ng kaginhawahan sa buhay. Mas magaan ang pasok ng suwerte sa susunod na taon.

  1. Yen Ro

TANONG: Pahula po ng kapalaran.

SAGOT: Matalino ka at masayahin kaya ang mga problemang madaraanan mo ay mamaniin mo lang.

  1. Nhors Lorenzo

TANONG: Pahula po.

SAGOT: Dog ang iyong Animal Zodiac kaya maganda ang taong ito para sa’yo, hindi man nangyari sa mga unang buwan ay umasa ka sa iyong suwerte sa mga huling buwan ngayong taon.

  1. Liza Ramos

TANONG: Ako po ano ang kapalaran ko?

SAGOT: Maaambunan ka ng suwerte ng mga kaibigan mong isinilang sa taon ng mga aso. I-grab ito at huwag sayangin.

  1. Edna Chua

TANONG: Gusto ko po magbusiness ng sabon na mga papaya. Ano po maganda po kaya, payo lang po.

SAGOT: Magandang negosyo ang naiisip mo dahil in-demand sa market ngayon ang mga sabong papaya. Piliin mo lang ang pagkakatiwalaan mo lalo na kung ito ay balak mong i-online. Samahan mo ng lucky charms ang mga stocks mo upang maging magaan ang pasok ng suwerte para sa’yong negosyo at huwag din kalimutan manalangin para sa ikatatagumpay nito.

  1. Le Jen

TANONG: Ano po kapalaran ko?

SAGOT: Ito ang iyong taon kaya ang suwerte ay nasa paligid mo lang. Huwag hayaan na maagaw ito ng iba.

  1. Ara Abu Otero

TANONG: Mam, ano ba kapalaran ko this year?

SAGOT:Magiging balanse lang ang positibo at negatibo ng mga araw mo. Kung nais mong lumamang ang positibo ay manalangin ng taimtim at iwasan ang mga nega vibes sa iyong buhay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

1 COMMENT

Comments are closed.