Tanong mo Sagot ko May 19

2
94

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

1.Wens Devero

TANONG; Makapag-a-abroad po ba ako? Susuwertehin po ba kaming pamilya? As of now po, wala pa po kaming sariling bahay. Thank you in advance po.

SAGOT: May posibilidad na ikaw ay makapag-ibang bansa pero kailangan mo pang maghintay. Mas nakalalamang ang positibo para sa inyo ngayong taon na ito kaysa negatibo dahil ikaw ay isang horse na compatible sa year of the dog at dahil year of the dog ngayon kaya hindi malayong maambunan ka ng suwerte ng isang taong nasa ilalim ng taon na ito. Sa ngayon ay magtiwala ka sa iyong kakayahan at patuloy na manalig sa Diyos. Ang magkabahay ay darating din sa’yo sa tamang panahon.

  1. Lyn A. Visaya

TANONG: Tanong ko lang kung ‘yung bf ko na Canadian ay siya ang makakatuluyan ko? Salamat and God bless.

SAGOT: Malaki ang tsansa na siya ang makatuluyan mo pero marami pa kayong daraanang pagsubok. Maging matatag at iwasan ang laging pagdududa. Huwag ding kakalimutang ipagdasal sa Diyos ang inyong relasyon dahil maraming negatrons sa paligid.

  1. Maylen Martinez Sefuentes

TANONG: Tanong po ako. Makapag-a-asawa pa po ba ako? Isa po akong dalagang ina. Salamat in advance.

SAGOT: May pag-asa pa, besh. Ikaw ay isang goat na may likas na charms. Kaya kahit may anak ka na ay marami pa rin ang magkakainteres sa’yo. Maging matalino lang sa pagpili dahil may mga magkakainteres sa’yo na hindi seryoso. Ang true love mo ay magmumula pa sa malayong lugar kaya hintayin mo ang kanyang pagdating.

  1. Imelda Casantusan

TANONG: Tanong ko lang po kung may suwerte pang darating sa buhay ko?

SAGOT: Bilang isang goat ay may sapat na lakas ng loob ka sa pagharap sa mga paghamon sa buhay at mula sa mga paghamon na ito ay makakamtan mo ang tagumpay na hindi mo inaasahan. Magtiyaga at maghintay.

  1. Neethskiee Yap

TANONG: Madam, ano pong magandang negosyo sa’kin? Suwerte po ba ako sa negosyo? Sana po masagot ninyo. Salamat.

SAGOT: Piliin mo ang negosyo na malapit sa puso mo, kung ano ang hilig mong gawin iyon ang inegosyo mo at siguradong susuwertehin ka. Makakatulong din ang mga lucky charms at lalo na ang taimtim na panalangin.

  1. Aiko Dequino

TANONG: Tanong ko lang po kung makapag-a-abroad ba ako? Salamat po.

SAGOT: Malamang ang tsansa kaysa hindi. Iwasan mo lang ang mga negatrons sa buhay mo dahil sila ang hihila sa’yo pababa.

  1. Teresita Pusing

TANONG: Ano kaya magandang kapalaran namin? May naghihintay ba na magandang kapalaran sa’min?Aasenso pa kaya kami? Tanong ko rin, ‘yung biyenan ko kasi lagi siyang galit sa akin, magiging mabait pa kaya siya sa’kin? Yung anak ko, siya kaya ang mag-aaruga sa pagtanda namin?

SAGOT: Tibayan mo lang ang iyong mga panalangin. Malapit na dumating ang  suwerte, konting tiis pa at pagtitiyaga. Ang biyenan mo ay may pag-asa pang magbago ang pakikitungo sa’yo, maging positibo ka lang sa kanya sa lahat ng oras kahit pa sinusungitan ka niya. Ang anak mo ang mag-aaruga sa inyong mag-asawa at isa rin siya sa mag-aakyat ng suwerte sa inyo.

  1. Joyda Tablizo Pestanas

TANONG: Tanong ko lang po kung makakabalik pa ako ng abroad this year?

SAGOT: Mas malaki ang tsansa sa susunod na taon pero kung gusto mo talaga huwag kang hihinto sa pagdarasal. Ang buhay ay puno ng sorpresa.

  1. Belmie Camandang Corsino

TANONG: Tanong ko lang po kung maaayos pa po ba kami ng asawa ko? May problema po kami, may kabit po siya.

SAGOT: Hindi compatible ang zodiac ninyo ng asawa mo kaya dinaranas n’yo ang mga ganitong pagsubok. Compatible sila ng kabit niya kaya nahahatak siya nito palayo sa’yo. Pero, huwag kang mawalan ng pag-asa dahil may natitira pang pagmamahal sa’yo ang asawa mo. Panghawakan mo ito at daanin mo sa mataimtim na mga panalangin, hindi ka niya pababayaan. Ang mga maling relasyon ay hindi kinakasihan ng Diyos.

  1. Anrol Adugal

TANONG: Madam, mare-regular po ba ang asawa ko sa trabaho niya? Ako po kaya masuwerte rin sa negosyo? Sana mapansin n’yo po, salamat.

SAGOT: Malaki ang posibilidad na maregular siya dahil ang isang Virgo na tulad niya ay hindi natatakot sa pagpapaunlad ng kanyang kakayahan. May tsansa rin na maging matagumpay ka sa negosyo, piliin mo lang ang tamang negosyo na mamahalin mo. Huwag magpadala lang sa impluwensya ng iba.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

2 COMMENTS

  1. tanong ko lang po kong bkit d kme lge mgkasundo ng asawa ko ang bday ko po ay march 10 1984 at ung asawa ko po ay april 17 1987

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here