Tanong mo Sagot ko May 18

3
531

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

1.Perla Pacional

TANONG: Ask ko lang po kung anong kapalaran ko this 2018? Thanks po.

SAGOT: Strong at aggressive ang isang Tiger na tulad mo at ikaw ay malapit sa dog. Kaya ngayong taon ng dog ay maaambunan ka rin ng suwerte. Ito ay sa financial.

  1. Concepcion Calaycay

TANONG: Anong kapalaran ko ngayon? Salamat po.

SAGOT: May sapat kang lakas ng loob para harapin ang mga paghamon ngayon sa buhay. Bilang isang goat mas ipaprayoridad mo ang pagtulong sa iba kaysa sa sarili mo.

  1. Elisa Escobal Saragoza

TANONG: Anong kapalaran naming mag-asawa ngayong 2018?

SAGOT: Hindi compatible ang mga zodiac n’yo na isang Ox at isang Tiger kaya tiyak ang maraming bagay na hindi nyo mapagkakasunduan. Subalit hindi ito nangangahulugan na bibitawan na ninyo ang isa’t-isa. Ang pagmamahal ang magbibigkis sa inyo. May mga oportunidad na darating at kailangang maging isa ang desisyon nyo.

4, Prescilla Palacio Recio

TANONG: Ano po ang magiging kapalaran ko sa darating pang mga araw, makakapag-asawa pa ba ako? Kasi hanggang ngayon dalaga pa rin ako. Dec.5, 1961 ang birthday ko pero ang nakalagay sa birth certificate ko ay Dec.5, 1962, alin po ang magandang gamitin sa 2?

SAGOT: Kung gagamitin mo sa personal mong mga dokumento, makabubuting sundin mo na lang kung ano ang nasa birth certificate mo para iwas problema. Kung magpapahula ka naman, nararapat lang na ang totoong taon mo ang sasabihin mo. Dahil ikaw ay 1961, bilang isang Ox, hindi ka mahirap mahalin dahil gusto mo lagi ng kapayapaan. Mapagkakatiwalaan ka rin at may sariling pagdedesisyon. Hindi pa lang talaga dumarating ang para sa’yo. Pero huwag kang mainip dahil meron talagang nakalaan sa’yo at konting panahon na lang ang ipaghihintay mo.

  1. Niel Angelo Cardenas

TANONG: Pwede rin po ba ako? Ano po ba ang magiging buhay ko, bakit lahat ng malalapit sa akin ay nakakaaway ko? Please sagutin nyo po ako. Salamat.

SAGOT: Bilang isang monkey, taglay mo ang pagkakaroon ng sobrang pagtitiwala sa sarili. May mga pagkakataon na gusto mo ay ikaw ang nasusunod. Taglay din ng Aries ang karakter na ito na siya ring zodiac mo. Gustong mag-number one sa lahat ng bagay, in short perfectionist. Ito marahil ang dahilan kung bakit may mga malalapit sa’yo na hindi mo nakakasundo. Para masolusyunan ito, maaari kang maglaan ng oras na kilalanin ang sarili mo. I-improve mo ang sarili mo na wala kang ibang masasaktan. Ang panalangin sa Diyos ay higit din ang tulong na maibibigay sa’yo. Maganda ang kapalarang naghihintay sa’yo kaya huwag mong hayaan na kainin ka ng buo ng nega vibes.

  1. Jewel Pomida

TANONG: Ano po ang suwerte ng taong Aquarius sa taong ito? Tnx po.

SAGOT: Masuwerte ang taong ito para sa’yo dahil ikaw ay nasa ilalim ng dog. Bilang Aquarius ay taglay mo ang pagiging matulungin sa kapwa kaya ang mga opotunidad ay darating sa’yo bago matapos ang taon. Ito ay may kinalaman sa aspetong financial.

  1. Fhe Balagtas

TANONG: Good eve po ma’am, ask ko lang po sana kung ano po kayang kapalaran ko sa mga darating na taon? Salamat po ng marami. God bless.

SAGOT: Balanse lang ang positibo at negatibo sa mga susunod na taon para sa’yo. Higit kang magiging masuwerte sa taong 2026.

  1. Edward Malabago

TANONG: Ano po ang masuwerte na dapat kong pasukin? Sa pulitika po, may suwerte po ba ako? Thanks po.

SAGOT: Ikaw ay nasa ilalim ng dog na likas ang pagiging palakaibigan. May strong sense of responsibility. Kaya ang pulitika ay mainam para sa’yo. Iwasan mo lang kumabit sa mga negatrons dahil sila ang sisira ng karerang gusto mo.

  1. Rodel Redilla

TANONG: Ako rin. Ano ba ang magiging kapalaran ko?

SAGOT: Matalino ka pero may pagka-misteryoso. Ito ang dahilan kaya madalas ay nami-misinterpret ka ng iba. Subalit ang charm ay sadyang nakakabit sa pagkatao mo at ito ang magiging daan ng suwerte patungo sa’yo.

  1. Sonia Gerish

TANONG: Tanong ko lang kung magiging happy ako sa bago kong lovelife? Siya na kaya ang makakasama ko for the rest of my life? Thanks.

SAGOT: Hindi mahirap mahalin ang isang Leo na tulad mo dahil likas sa’yo ang pagiging masayahin. Dahil sa katangian mong ito ay magiging masaya siya sa’yo kaya mahihirapan siyang iwanan ka.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleChinese Horoscope May 18
Next articleHorrorscope May 18
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

3 COMMENTS

  1. ako po gusto kong maintindihan kong bakit sinasabi na swerte ako.gayong wala naman akong makita na kakaiba sa akin at isang mahirap din naman sa buhay aurora rosaria bautista june 1.1975 may asawa at 2 anak na babae.walang trabaho nagtataka naman po ako talaga

  2. May 17 1973 ang birthday ko anu ang magiging kapalaran ko? Isa akong single mother at punong puno ng problema may magmamahal pa kaya sakin ng tapat ?

  3. Nov 23, 1965 . Ang kaarawan ko tanong ko lang po kung magkakabalikan pa kami ng asawa ko. Oct 31,1965 ang kapanganakan nya . Maraming salamat po sana mapansin nyo ..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here