Tanong mo Sagot ko, May 16

1
158

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

1.Aiko Dequino

TANONG: Ask ko lang po, ano kaya kapalaran na naghihintay sa akin, aasenso ba ako next month? Suwertehin na ba ako? Salamat.

SAGOT: Ang isang female snake ay madaling matakot pero likas ang talino kaya anumang pagsubok ang daanan mo ay siguradong malalampasan. Hindi pa next month ang inaasahan mong suwerte pero sigurado itong darating sa hinaharap.

  1. Ramon Joel Flores

TANONG: Ano po ang kapalaran ko?

SAGOT: Makapangyarihan at biniyayaan ng maraming talento ang isang Dragon at ito ang karakter na taglay mo kaya maganda ang kapalarang naghihintay sa’yo. Iwasan mo ang mga negatrons mong mga kaibigan. Hihilahin ka nila pababa.

  1. Lota Santos Roque

TANONG: Susuwertehin na po ba asawa ko sa pagbabalik niya sa abroad?

SAGOT: May mga ilang problema lang siyang haharapin pero maganda ang oportunidad niya sa ibang bansa kaya kailangan niya ng iyong buong suporta at pagdarasal.

  1. Sarah Omandac

TANONG: Ano po kapalaran ko sa pag-ibig?

SAGOT: Matalino ang Snake pero kadalasan ay may takot. Huwag kang matakot na magmahal dahil parte ng pag-ibig ang masaktan. Compatible sa’yo ang nasa ilalim ng Tiger at Pig.

  1. Sonia Gerish

TANONG: Pang 5 message ko na ito, sana masagot na ako. Thanks po.

SAGOT: Kung kapalaran mo ang iyong tinatanong, ikaw ay nasa ilalim ng Chinese Zodiac na Rat. Taglay mo ang katangian na ng pagiging isang masipag na trabahador. Madali ka ring nakakaisip ng solusyon sa mga problema kaya naman hindi magiging mahirap sa’yo ang pagharap sa mga hamon sa buhay.

  1. Lyn A. Visaya

TANONG: Tanong ko lang po kung ano ang magiging kapalaran ko sa pag-ibig at sa buhay? Salamat.

SAGOT: Maganda ang kinabukasang naghihintay sa’yo.Malaki kasi ang tiwala mo sa sarili na siyang puhunan mo sa pagpapaunlad. Ang pag-ibig ay malapit na sa’yo. Tahimik ka lang at kayang tanggapin ang lahat pero iba ka magalit .

  1. Melody Pol Ranola

TANONG: Maglilipat po kami ng pamilya ko sa Cebu ngayong taon dahil doon na rin po ang magiging work ko. Magiging maayos po ba buhay namin doon? Maraming salamat po.

SAGOT: Maganda ang naghihintay na kapalaran sa inyo sa Cebu. Panatilihin mo lang ang pagiging positibo. Ikaw ang magsisilbing proteksyon ng pamilya mo sa kamalasan kaya ihanda mo ang sarili mo sa pagprotekta sa kanila.

  1. Michelle Mandani Garcia

TANONG: Ano po kaya ang kapalaran ko ngayong taon na ito at sa asawa ko? Sana masagot nyo po ako at maraming salamat.

SAGOT: Pareho kayo ng asawa mo na may lakas ng loob at buo ang tiwala sa sarili. Kung pagsasamahin ang inyong mga katangian ay magiging malakas ang pwersa laban sa kamalasan. Kailangan mong suportahan ang oportunidad na darating para sa kanya at ganoon din ang para sa’yo.

  1. Ma. Cristina Fermocillo

TANONG: Ano po ang kapalaran namin ng anak ko?

SAGOT: Likas sa’yo ang pagiging protective kaya ang kapalaran ng anak mo ay nakasalalay sa iyong kamay. Haharap ka sa ilang mga pagsubok pero mangingibabaw sa’yo ang pagiging positibo. Huwag kang magpapaapekto sa mga nagkukunwaring concern sa paligid mo para ang magandang kapalaran ay marating ninyo ng anak mo.

  1. Rechelle Airene Robles Nabalona

TANONG: Ano po kaya ang kapalaran ko? Thanks po.

SAGOT: Mahilig sa kasayahan ang isang Leo. At bilang isang Leo ay gustong-gusto mo na masaya lang ang paligid mo. Magandang attitude ito patungo sa magandang kapalaran. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging positibo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

1 COMMENT

  1. Tama po ba umalis na lang ako sa house ng GF ko or suyuin, unawain, pasensyahan ko pa rin sya? Tunay po ba nya ako mahal? Ano po kapalaran ko if I will give up on my GF? Will our plans and dreams abroad still be pursued even if I break up with my GF? Thank you very much for your answer. February 24, 1969 po ako and October 7, 1974 GF ko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here