Tanong mo Sagot ko May 12

2
550

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

1.Melody Pol Ranola

TANONG: Hello po. Tanong ko lang po sana kung magtatagal po ba kami ng asawa ko?Panay away lang po kasi kami.

SAGOT: Tiger siya at goat ka. Hindi compatible ang mga Chinese Zodiac nyo kaya i-expect mo na ang madalas ninyong hindi pagkakasundo. Maraming mga bagay kayong sadyang hindi pinagkakaintindihan. Mas makabubuti kung gagawin ninyong sentro ng inyong relasyon ang Diyos at pwede mo ring ipag-novena ang inyong relasyon para layuan kayo ng negatibong enerhiya. Gawin mo ito at tiyak na magtatagal kayo.

  1. Yam Llusala Gonzaga

TANONG: Tanong ko po, magiging mapalad ba kung mag-aabroad ang asawa ko?

SAGOT: Mas nakalalamang ang positibo kaysa negatibo. Isa siyang dog kaya madali lang sa kanya ang makibagay sa iba at ito ang magiging dahilan ng maganda niyang kapalaran sa abroad.

  1. Jeni Gregorio Tano-an

TANONG: Hello po. Matapos ko po kaya kontrata ko dito sa Jordan?

SAGOT: Isa kang rat, hyperactive worker at problem solver kaya matatapos mo ang iyong kontrata. Huwag kang magpapadala sa nega vibes dahil hindi ito makatutulong sa’yo.

4.Villoga Nanet

TANONG: Maging maayos kaya ang pamilya ko at suwerte ba ang nabili kong bahay?

SAGOT: Magiging maayos dahil ang kinatitirikan ng nabili mong bahay ay pinamumugaran ng mabubuting espiritu. Huwag silang gagambalain upang hindi sila umalis at kayo’y pagpalain. Makakatulong pa rin ang mga lucky charms.

  1. Nicholl Esperanza Delehon

TANONG: Revineline Campo name ko. Ano po ang hinaharap ko? Magiging maganda ba ang buhay naming mag-ina? At ang bf ko siya na ba forever ko? Please pakisagot naman po. Maraming salamat po.

SAGOT: May likas na lakas at talino ang horse kaya ang maganda mong kapalaran ay hindi na malabo. Huwag pakakawalan ang oportunidad na darating sa’yo para sa ikagaganda ng buhay ninyong mag-ina.May mga darating pang pagsubok sa inyo ng bf mo kaya hindi pa ganoon kalinaw ang inyong forever. Palaging maniwala sa’yong woman instinct.

  1. Lucille Flores

TANONG: Makakapag-abroad ba ako ngayong taon?

SAGOT: May posibilidad pero ang dami pang hadlang. Kung hindi pa buo ang loob mo ngayong taon ay maaari mo itong ipagpaliban.

  1. Maria Cristina Fermocillo

TANONG: Matatapos contract ko Dec.30.Makakapag-renew po ba ako sa amo ko ngayon?

SAGOT: Malinaw ang posibilidad ng iyong pagre-renew. Huwag mo lang hahayaan na mahadlangan ka ng isang tao na naiinggit sa’yo. Maging alerto sa mga kasama.

8.Teresita Pusing

TANONG: Kami na ba sa huli ng asawa ko? Sino kaya sa mga anak ko ang mag-aaruga sa akin at sino ang giginhawa ang buhay?

SAGOT: Hindi compatible ang goat at tiger kaya marami pa kayong pagdaraanang pagsubok ng asawa mo. Balanse lang ang tsansa ng inyong pagsasama hanggang sa huli. Upang lumamang ang positibo ay dagdagan pa ang taimtim na panalangin at ipagkatiwala sa Diyos ang iyong mga hinaing.Si Rat, 1996 ang mas makakapagbigay sa’yo ng pag-aaruga at si monkey naman 2004 ang mas may posibilidad na guminhawa ang buhay.

  1. Cyril Dizon

TANONG: Should I pursue my relationship with my current gf even we always argue and break up? Is it worth to keep our relationship? What is our future in relationship and working abroad? Is there a great chance we would be employed by insurance company in Canada? Thanks.

SAGOT:Kung mahal mo talaga ang gf mo, ikaw na mismo ang makakasagot ng tanong mo. Isa siyang tiger kaya likas sa kanya ang mga karakter na hindi tumutugma sa isang rooster na gaya mo. Kailangan n’yo lang bigyan ng space ang isa’t isa para hindi kayo masyadong masakal sa relasyon nyo. Gawin ninyong sentro ang Diyos at siguradong tutulungan niya na maging kayo hanggang sa huli. Ang pagtatrabaho ninyo sa abroad ay isa rin sa mga hindi n’yo pagkakasunduan pero maging matibay lang dahil ito ang magbibigay sa inyo ng magandang future. May mas magandang oportunidad pang darating kaysa sa insurance company. Maging maingat lang sa pagdedesisyon dahil ang kapalaran nyo ay nakabalanse lang sa positibo at negatibo, huwag hayaang lumamang ang negatibo.

  1. Jessilou Andilab

TANONG: Tanong ko lang po, mahal po ba talaga ako ng boyfriend ko at ano po ba ang kapalaran ko?

SAGOT: Ang Virgo na tulad mo ay praktikal lang sa buhay. Kung ano ang dumating ay tatanggapin. Pero hindi natatakot na umunlad pa ang kaalaman kaya ang suwerte ay hindi magiging mailap sa’yo sa mga susunod na buwan. Mahal ka ng iyong bf at mararamdaman mo iyon. Maging alerto lang sa mga tao na gusto kayong paghiwalayin.

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleChinese Horoscope May 12
Next articlePamahiin Nunal: Kahulugan ng iyong nunal
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

2 COMMENTS

  1. tanong k lng po mgttagal p po ba kmi ng asawa kc prng medyo mlabo n kmi ngyon capricorn cia t pieces ako…mgssma p po b kmi hnggng s pgtnda nmin my dlwa kmi ank t 13yrs n kmi ngssma ksal po kmi..t ofw po ako t kla nnay po naiwan mga bta kc my work dn cia kauympisa lng nia knina…tnk u sna po msgot nio ang tnung ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here