Tanong mo Sagot ko June 6

985

1.Rhica Gavino Agustin

TANONG: Nanaginip po ako kagabi, nasa bahay daw kami ng kumare ko. Pag-uwi ko nakita ko ang mga kapatid kona nandun din tapos maliligo daw. May parang underground swimming pool po daw yung kumare ko, madilim, malalim ang tubig. Sabi ng nanay ng kumare ko check ko daw mga anak ko if buhay pa. Sumisid kasi sila, everytime na ilubog ko kamay ko at iaalis takip dun sa tubig hahawakan naman ng mga anak ko ang kamay ko. Yun daw palatandaan na safe sila. Buti naman sabi ko at talagang kinakabahan ako. Tapos doon pa din sa bahay ng kumare ko, nagtotoothbrush na ako, dumadaan at tumitingin lang asawa niya,tapos dumura ako sa tubig na pinagswimingan kanina. Yung malalim at madilim na tubig. Sabi ng anak ng kumare ko bawal dumura diyan. Tapos umaga, bigla ako niyaya ng kumare ko na puntahan bahay nung may utang sa akin para masingil at may maipambayad ako sa kumare ko na kasama ko. Sumakay kami sa wheeler. Nung pagkasalamin ko itinaas ko yung bangs ko. May tatlong white spot ako sa noo at isa sa mukha. Parang malalaking an-an. Tapos sabi ko, anong mga ito? Nagising na po ako. Ano po kaya meaning nung panaginip? March 7, 1986 po birthday ko. Salamat po.

SAGOT: Malinaw ang ipinapahayag ng iyong panaginip. Isang pangyayari ang magaganap sa iyong buhay kung saan masusubok ang iyong pagtitiwala. May kaibigan na iiwan ka sa gitna ng iyong pangangailangan sa kanya. Sa pagsubok na daraanan mo ay kailangan mong iprayoridad ang kapakanan ng iyong mga anak higit sa anupaman o sinuman. Huwag kang mabahala, ipagpatuloy mo lang ang pagtitiwalasa Diyos at matatag mong malalampasan ang problema. Ang mga white spot na nakita mo sa iyong mukha ay sumisimbolo ng pag-asa, mga choices na maari mong pamilian sa iyong pagdedesisyon.

  1. Ogaya Mandia Jhane

TANONG: January 12,1997, Ano po kaya kapalaran nito? Gusto ko po malaman.

SAGOT: Balanse lang ang positibo at negatibo sa kapalaran ng taong ito. Walang gaanong problema ang kanyang kakaharapin subalit wala ring gaanong suwerte ang nakalaan sa kanya ngayong taon.

  1. Aiko Dequino

TANONG: Ano po kaya kapalaran ko ngayong buwan, June 19, 1977 po ako.May suwerte pa kayang darating sa life ko?

SAGOT: Hindi pa ito ang suwerteng buwan para sa’yo. Pero wala kang dapat ipag-alala dahil maayos lang ang magiging takbo ng bawat araw.

  1. Joy Escabarte

TANONG: May tanong po ako. May panaginip ako namimitas daw ako ng bunga ng Bayabas, mga malalaki, ano po ‘yun?

SAGOT: Suwerte ang naghihintay sa’yo. Bawat bungang napitas mo ay may katumbas na suwerte sa mga susunod na araw. Subalit kung natikman mo ang bayabas at ito ay maasim, kabaligtaran ito ng suwerte. Kung natikman mo naman ang tamis nito ay siguradong may magandang naghihintay sa’yo.

  1. Rose S. Mendoza

TANONG:Morning po. Tanong lang po ano po kapalaran ng taong ito, Sept.25, 1979. Thanks po.

SAGOT: Mabait sa kanya ang kapalaran ngayong taon. Walang masyadong alalahanin at may posibilidad din ang pagdating ng oportunidad.

  1. Ahzel Dugaduga

TANONG: Tanong ko lang po kung may tao pa bang magmamahal sa akin at tatanggapin kung sino ako? Thanks po. Sana mapansin nyo ang tanong ko.

SAGOT: Huwag kang mag-alala besh. May nakalaan sa’yo na mamahalin ang katangian at kahinaan mo. Darating at darating siya sa buhay mo kaya hintayin mo. Huwag kang magmamadali dahil posible kang magkamali.

  1. Emy Castroverde

TANONG: Tanong ko lang po, nagpapagawa kasi kaming mag-asawa ng bahay. Matatapos kaya namin yung pagpapagawa nitong taon na’to? Salamat po.

SAGOT: Malaki ang posibilidad na matapos ang bahay nyo sa huling buwan ng taon. Iwasan nyo lang maging negatibo sa tuwing may darating na balakid.

  1. Merly Banido

TANONG: Makakaalis ba ako ngayong taon patungong New Zealand?

SAGOT: Malabo ngayong taon subalit malaki ang posibilidad sa susunod na taon.

  1. Herminio Asul

TANONG: Magkakabalikan pa ba kami ng asawa ko?

SAGOT: Pareho na kayong may sariling pamilya kaya malabo na magkabalikan pa kayo lalo at mahal na niya ang bago niyang asawa. Mahal mo rin ang asawa mo kaya sa kanya mo na ang ituon ang isip at puso mo.

  1. Reyna Mulan

TANONG: Kailan ba darating ang magandang kapalaran sa akin?

SAGOT: Malapit na. May magandang oportunidad ang naghihintay  sa’yo sa ibang bansa. Kaya ang darating na oportunidad ngayong taon ay huwag mong pakakawalan.

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articlePahula 102: Mga tips na dapat tandaan
Next articleALLERGY 101: Quick Information Guide sa Allergies ng Anak Mo

2 COMMENTS

  1. Matutuloy po ba bentahan ng property ko sa present buyer ko this year? Or sa ibang buyer po mabebenta property ko? Naiinip na po kasi ako sa tagal ng processing ng papers ng buyer ko sa Pagibig. Matatanggap po kaya kami ng GF ko sa insurance company sa Canada? Matutulungan po kaya ako ng tita ko nasa Canada makapag-work sa Canada? Faithful po ba GF ko sakin kahit marami nagkakagusto sa kanya at hindi kami lagi magkasundo? February 24, 1969 po ako at October 7, 1974 GF ko.

  2. Hi, Good day po.
    May ishashare sana ako bago mag tanong,
    About sa panaginip ko po na aking naging karanasan salamat na nga lamang po ay nakapag handa po ako bago mangyari ito.

    dahil po sa babala ng aking panaginip mahirapman pong intindihin ito nakakatulong parin.

    bago po mangyari ay dumaan po muna sa maraming araw, year or months po, before ito nangyari, dati po kasi akong takot sa dilim at nag iisa sa isang malaking kwarto sa aming bahay at pinilit ko po ang aking sarili na mag stay at makatulog at higit po sa dahilan ng aking katapangan na matulog mag isa ay ang aral ng biblia na sinasabi ay walang patay ang nabubuhay kundi lahat ay tulog, at pagkatapos po niyon ay ako ay nanalangin at natulog, noong ako po ay nakatulog na –

    (@Di ko pa alam ang ibigsabihin)

    “”(may napanaginipan po ako, na ako po ay gising pa at tumayo ako sa aking hinihigaan at kumuha ako ng yosi at lighter sa ibabaw ng desk ng computer ko po. At bumalik na po ako sa aking higaan, noong sinindihan ko ang akin pong sigarilyo gumalaw po ung manika ko pong katabi at nauusukan daw po siya sa aking sigarilyo at siya po ay nababahuan)”” ako naman po ay nagulat at nararamdaman ko po ng takot ko, at bigla pong tumayo ng manika at tumakbo papalabas ng kwarto at hinabol ko po ung manika at minumura ko po siya hangang papalabas po ng bahay at hindi ko po ito inabutan at nakasalubong ko po ang kuya ko at saka ko po niyakap ang aking kuya at gusto ko po itong ipaliwanag sa kanya ngunit ako po ay nagising na may kasamang pagka sobrang “takot” at “kaba” ako po ay nanatili sa aking higaan at natulog pong muli napakarami ko pong pawis kahit naka aircon noong gabi na iyon, noong nakatulog po akong muli at nanaginip nanaman po ako. Una po ay kasama ko ang akin pong tatay at nakasalubong po namin ang kapatid po ng tatay ko ang uncle ko po, nakasalubong po namin siyang naglilinis ng kanya pong trcycle at kami po ay kinamusta na may kasamang ngiti, at ko po ay naglakad at hinayaan ko po silang dalawang magkapatid mag usap at nakita ko ang anak po ng king uncle na kumakain sa kubo at ako po ay diretcho diretcho at excited na excited po sa amin pong pag dating sa aming probinsya, ako po ay tumakbo hangang kalsada na ang paligid po ay palayan hangang sa punong malaki, at ako po ay nattakot sa punong malaki at ako po ay bumalik papunta po sa aming tahanan ay hindi na po ako makabalik at dumilim po ang aking paligid, at ako po ay nakapag isip at akin pong baliktarin ang aking damit dahil sa pinapayo po ito ng matatanda kapag naliligaw noong babaliktarin ko na po ang aking damit, bigla po akong nagising at takot na takot at kinakabahan ng sobra at pinagpapawisan.

    Ayan po lahat ang aking panaginip sa isang gabi na hindi ko po makalimutan at sa tuwing ito po ay aking naalala, ako po ay napapaluha noong buhay pa ang aking tatay at lagi ko po siyng tinitignan.

    Bago po mangyari ang panaginip ko pong iyan ay nanaginip po muna ako ng maikling panaginip nakasakay daw po kami sa truck namin pauwi po, ang daanan po ay zigzag na malalim ang bangin ang tatay po ang driver at magkatabi po kami ng nanay ko, at nawalan po ang tatay sa control at nahulog po kami sa bangin at bigla na po akong nagising at naikwento ko po sa nanay ko yun lahat.

    Noong lumipas po ng half or one year po ay nangyari ang lahat po ng babala na iyon, noong un po ay mali po ang pagkakaintindi ko sa aking panaginip at ngaun pong nangyari na ako po ay naniniwala na at gusto ko pong laging updated sa inyo pong website.

    Sa ngayon po ay ito po muna ako aking itatanong ngaung gabi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here