Tanong mo Sagot ko June 29

588

1.Juanafe Castillo Bongolan

TANONG: Ano po ba ang kapalaran ko? Feb 6, 1984. Kasi dalawang beses na akong iniwan ng husband. At may suwerte po ba ako?

SAGOT: Ang katulad mong rat ay masigasig sa buhay subalit sadyang mailap ang suwerte sa pag-ibig. Huwag mabahala dahil darating din ang pag-ibig na magpapasaya sa’yo at hindi ka iiwan. Hindi pa ngayong taon pero asahan mong malapit na. Ang suwerte sa career ay hindi ipagkakait sa iyo ng tadhana, manalig ka lang ng taimtim sa Diyos.

  1. Elsa Bustamante

TANONG: May 10, 1981 po ako Rooster.

SAGOT: Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mong pagsisikap sa buhay at makakamtan mo rin ang ginhawa na inaasam mo. Huwag mong papakinggan ang mga negatrons sa paligid mo dahil sila ang magdadala ng nega vibes sa’yo.

  1. Pen Nel Let

TANONG: May chance po ba ako manalo jackpot sa lotto? 8-26-73 birthday ko po. Salamat.

SAGOT: Malabo pa ang stansa. Mas mainam kung itutuon mo muna ang atensyon mo sa mas mahalagang bagay. May suwerteng darating sa trabaho.

  1. Merly Donina

TANONG: Ano po ang kapalaran ko at future ko po? Oct. 15, 1980 po ako. Salamat po at more power.

SAGOT: Matalino at maasahan ang isang Monkey na tulad mo kaya maganda ang kapalaran na naghihintay sa’yo.Isang oportunidad ang kakatok sa pintuan mo at huwag mo itong palalampasin dahil dito ka susuwertehin.

  1. Shaina Hasim

TANONG: Tanong ko lang po, ano po ba magiging kapalaran ko? January 18,2003

SAGOT: Likas sa isang Goat ang pagiging mapagbigay. Ang mabuting karakter na ito ay masusuklian din sa’yo. Kaya asahan mo na ang magandang bukas sa hinaharap.

  1. Maena Corim

TANONG: Paano ko po maiiwasan ang isang manliligaw na kinaiinisan ko. Ilang beses ko na siyang binasted pero ang kulit kulit pa rin niya.

SAGOT: Isang paliwanagan lang ang dapat mong gawin at kung hindi siya makikinig ay hayaan mo na lang siya na humanga at manligaw sa’yo. Ang importante ay nasabi mo na sa kanya ang saloobin mo at hindi mo siya pinapaasa.

  1. Agot Miranda

TANONG: Kailan po kaya kami magkakaroon ng sariling bahay?

SAGOT: Malaki ang posibilidad na mangyari ito sa susunod na taon. Hindi sa inyo ang titulo pero isang kamag-anak ang magtitiwala sa inyo na tirhan ang bahay nilang walang tao. Iyon na ang magiging tahanan nyo at aariin ng sarili. Wag kang mag-alala dahil wala kang magiging problema sa kamag-anak nyo.

  1. Luis Jacob

TANONG: May suwerte po ba ako sa sugal?

SAGOT:  Wala kang suwerte dito kaya lubayan mo na. Maghanap ka ng trabaho na mamahalin mo at doon ka papalarin.

  1. Marina Paner

TANONG: Dapat ko po bang ipagtanggol ang asawa ko sa magulang ko kung alam ko naman na siya ang mali?

SAGOT: Ipagtanggol mo kung sino ang tama. Kung kinakailangan mong pumagitna gawin mo para sa ikabubuti ng lahat. Huwag mong kukunsintihin ang maling gawa.

10: Abner Malipot

TANONG: Matutuloy pa po ba ako sa abroad?

SAGOT: Matutuloy ka na ngayong taon. Kailangan mo na lang ihanda ang sarili mo sa bagong buhay na kakaharapin mo. Magdasal at magtiwala sa Diyos.

More Tanong Mo

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here