Tanong mo sagot ko June 26

619

1.Janice Marcelo

TANONG: Ano po kaya ang dapat kong gawin para maiwasan ang mga pagsubok sa buhay?

SAGOT: Walang tao ang hindi dumadaan sa pagsubok. Upang malampasan ito ay kailangan mo lang ng matibay na pananalig  sa Diyos at kumpiyansa sa sarili.

  1. Ela

TANONG: Magandang umaga po. Sept.3,1969 po birthday ko. Ano po kaya ang business na bagay sa akin? At kelan po kaya mangyayari ito? Makakapag-asawa pa po kaya ako?

SAGOT: Online business na may kinalaman sa produkto ng pagpapaganda at mga damit ang magdadala sa’yo ng suwerte. May posibilidad na sa susunod na taon ay makilala mo na ang iyong truelove.

3.Jean Ongoco Lin

TANONG: Ask ko lang po ano magiging future namin ng hubby ko March 16,1964 po si hubby, year of the dragon. Ako naman po June 24, 1975 year of the rabbit.

SAGOT:Bagamat hindi compatible ang inyong mga zodiac sign ay patuloy kayong bibigkisin ng pagmamahalan kaya naman walang pagsubok ang hindi ninyo malalampasan. May magandang oportunidad para sa inyong dalawa sa susunod na taon.

  1. Capricorn 28

TANONG: Ma-grant na po kaya annulment ko, kasi 2 years na po kasing naka-file pero di pa rin tapos. Saka ma-renew po kaya ulit visa ko? Kasi dito po ako sa ibang bansa at at may bf akong Israeli. Bale fiance visa po yun. Ang sabi po ng ministry of interior kailangan matapos annulment ko bago ma-end ang visa ko para renew nila, kundi hindi nila ko vivisaan ulit. Sa April next year end ng visa ko.

SAGOT: Makukuha mo ang gusto mo bago matapos ang visa mo kaya huwag kang masyadong mag-alala. Dagdagan mo pa ang iyong pagdarasal at iwasan ang mga nega vibes para kasihan ka ng suwerte.

  1. Bigmomma

TANONG: Ano po ang magandang negosyo na mapapaunlad ko? Nov.19,1974

SAGOT: Swak para sa’yo ang online selling  na ang produkto ay may kinalaman sa pagkain.

  1. Jackilyn

TANONG: Magiging maayos po ba ang pagsasama naming mag-asawa? Totoo po kaya yun sinabi niya sa akin na wala siyang naging babae sa buhay niya kundi ako. Jan.3,1980 po b-day niya at ako naman po ay March 19.1982. May 2 po kami anak na babae at puro maliliit pa. Isa po akong ofw sa Malaysia at kasalukuyang nandito ngayon para magtrabaho. Pangalawang alis ko na po ito. Ilan ko na din po siyang nahuling nagsisinungaling. Gaganda pa kaya ang buhay namin at makaatikha pa kami ng bahay? Maraming salamat po. Nawa’y masagot nyo ang mga tanong ko, gulong-gulo na po ako e, salamat po.

SAGOT: Huwag kang masyadong mabahala. Sa kabila ng mga problema ay magiging maayos pa rin ang pagsasama ninyong mag-asawa. Hindi kayang iwasan ang pagsubok subalit ito’y inyong malalampasan dahil ikaw ang tunay niyang mahal. Ang bahay na inaasam mo ay makakamtan mo rin. Kailangan mo lang maghintay pa ng ilang taon.

  1. Belle

TANONG: Ako’y may tanong po. Ako ay isang babae. Birthday ko ay Oct.30,1987. Ngunit madalas akong managinip na ako daw ay isang lalaki.

SAGOT: Dahil sa nakaraan mong buhay ay ikaw ay isang tunay na lalaki. Ang iyong panaginip ay bahagi ng iyong reincarnation.

  1. Mhae Anne

TANONG: Anong kapalaran po ang naghihintay sa akin kapag sumama ako sa lalaking mahal ko kahit alam kong siya ay pamilyado ng tao. Handa raw po niyang iwan ang pamilya niya para sa akin.

SAGOT: Wala kang magandang patutunguhan, sigurado iyon. Hindi puro at malinis ang pagmamahal sa’yo ng lalaking ‘yan. Hindi niya magagawang iwan ang pamilya niya para sa’yo. Aasa ka lang habang siya ay kampante lang na magpapalipat-lipat sa kandungan ninyong dalawa. May makikilala kang higit sa kanya at ito ang magmamahal sa’yo ng tunay.

  1. Lupe Montana

TANONG: Makakapasa po kaya ako sa exam?

SAGOT: Makakapasa ka manalig ka lang.

  1. Mike Orsol

TANONG: May tsansa pa bang magkabalikan kami ng gf ko.

SAGOT: Huwag ka na masyadong umasa. May nakalaan sa’yo na higit pa sa kanya.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

2 COMMENTS

  1. Vangeline cantillana

    Gud morning po mag oopen po ako ng rtw ito po kya ay ok na negosyo para sa kin
    Nov.7.1977 po ang birthday ko

  2. Mercy San Miguel

    Ano po kya msuwerte numero pra sa akin mtagal na po kc ako ntaya sa lotto. Mercy Badsila San Miguel name ko April 8,1978 po birthday ko. Salamat po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here