Tanong mo sagot ko June 22

4
475

Latest posts by Morena (see all)

1.El Ls

TANONG: Good evening. Ask lang po kung anong kapalaran naming mag-asawa, May 10,1981 b-day ko at Oct.14,1982 naman asawa ko. Hanggang ngayon wala pa kaming anak. Na ectopic kasi ako, may chance pa ba na magka baby kami? 12 years na kami nagsama. Sana may makapansin thanks.

SAGOT: May kakilala ako na 9 years naman bago sila nagkaanak. Sa kaso mo, ipagpatuloy mo lang ang pagdarasal at paghingi ng payo sa mga doctor . Huwag ka mawawalan ng pag-asa dahil may tsansa ka pang magkaanak. Hindi pa ngayong taon pero darating ito sa’yo at sasabihin mo totoo ang mga himala. Araw-araw ay nangyayari ito sa buhay ng tao, hintayin mo lamang ang iyong pagkakataon.

  1. Lyn A. Visaya

TANONG: Gandang gabi po. Tanong ko sana kung meron talaga akong soulmate at kung taga saan?

SAGOT: Lahat ng tao ay may soulmate. Maaaring ito ay isang kaibigan o mangingibig. Kung ang ibig mo namang sabihin ay magmamahal sayo o lovelife, mula siya sa ibayong dagat at hindi mo pa siya makikilala ngayong taon.

  1. Lota Santos Roque

TANONG: Tanong ko lang po, ano po magiging kalagayan ng kasama ko sa Saudi?March 9, 1963. Sana masagot. Nag-alala ho kasi ako, ngayon alis niya eh, salamat po.

SAGOT: Huwag kang masyadong mag-alala dahil hindi siya mapapahamak. Mahihirapan siya sa umpisa pero magiging mabuti ang kanyang lagay. Manalangin ka ng taimtim at maniwala sa kapangyarihan ng panalangin.

  1. Luzviminda Manay

TANONG: Gud eve po. Jan.14,1971 ano po ang vibes nyo sa relationship/love at Oct.22,1970

SAGOT: Ang 1971 na isang pig ay malulungkutin subalit malalim kung magmahal. Ilan lamang ang pinagkakatiwalaan ngunit buo kung magbigay ng tiwala kaya hindi mo gugustuhin na masira ito. Ang 1970 naman na isang dog ay strong sense of responsibility pagdating sa pag-ibig. Kaya niyang ihandle ang inyong relasyon suklian mo man ito o hindi.

  1. Mendoza Jocelyn

TANONG: Gandang gabi po. Tanong po ako kung ano magiging kapalaran ko ngayon 2018 po.Birthday ko Oct.06,1969. Please po.

SAGOT: Balanse lang ang positibo at negatibong mga pangyayari para sa’yo ngayong 2018. Ipagpatuloy mo lang ang pagsisikap at makukuha mo rin ang gusto mo sa tamang panahon.

  1. Noemi Baliran

TANONG: Matutuloy ba ako sa pangingibang bansa ngayong taon?

SAGOT: Hindi pa ngayong taon dahil marami ka pang inaalala at dapat inkonsidera. 2020 ang magandang taon para sa pag-alis mo.

  1. Mylene Ambrocio

TANONG: Sino po ang dapat kong paniwalaan, ang matalik kong kaibigan o ang kamag-anak ko?

SAGOT: Mas matimbang sa’yo ang matalik mong kaibigan dahil siya ang lagi mong kasama at nakakaalam ng lahat ng sikreto mo. Pakinggan mong pareho ang kanilang panig at makikita mo sa kanilang mga mata ang katotohanan.

  1. Sonia Lubos

TANONG: Bakit ko po laging napapanaginipan ang ex ko?

SAGOT: Dahil patuloy ka pa rin niyang iniisip. Subalit hindi mo ito dapat bigyang halaga, sa halip ay ituon mo ang iyong pansin at atensyon sa tunay mong minamahal ngayon.

  1. Tina Rivera

TANONG: Paano ko po ba sasabihin sa boyfriend ko na may iba na akong mahal?

SAGOT: Isang seryoso at sinserong pag-uusap lang ang kailangan ninyo para masabi mo sa kanya ang nais mong sabihin. Mas mabuti iyon kaysa patuloy mo siyang bulagin sa hindi totoong relasyon.

  1. Elias Boy

TANONG: Ano po ang dapat kong gawin para hindi magsawa sa akin ang girlfriend ko?

SAGOT:Para hindi siya magsawa ay kailangan mag-isip ka ng mga gimik na sa tingin mo ay ikakasiya niya at hindi siya mababagot sa inyong relasyon. Pwede mo ring sundin anuman ang naisin niya. Ilan lamang iyan sa mga pwede mong subukang gawin. Pero tandaan mo, hindi natuturuan ang puso, kahit ikaw pa ang pinakaboring na tao sa mundo, kung ikaw ang nasa puso niya ay mananatili kang nasa puso niya anumang katangian ang meron ka.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

4 COMMENTS

  1. Magandang umaga po.sept.3,1969 po birthday ko.ano po kya ang business na bagay sakin? At kelan po kya mang yayari ito.makakapg asawa pa po kya ako?

  2. ask q lng po anu magiging futures nmin ng hubby q march 16 1964 po c hubby year of the dragon aq nmm po june 24 1975 year of the rabbit

  3. Dear maestro..pede po bang pahula ma grant na po kaya annulment ko kasi 2 yrs. Na po naka file pero dipa rin tapos at saka marenew po kaya ulit visa ko kasi po dito po ako sa ibang bansa may bf po ako israeli bale fiance visa po yun ang sabi po ng ministry of interior kailangan matapos annulment ko bago ma end yung visa ko para renew nila kundi po di na nila ako visaan ulit sa april next year end ng visa ko.. MARICEL ALCAYDE DECEMBER 28,1969… MORIS SABAH MARCH 8,1956…
    Baka po pede wag nyo ng ipost lahat ng message ko dito…salamat po sana matugunan nyo tanong ko…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here