Tanong mo Sagot ko June 20

1
438

Latest posts by Morena (see all)

1.Virginia Anob Villegas

TANONG: Compatible po ba ang April 7, 1981 then December 12, 1979? Thank you po.

SAGOT: Bagamat hindi compatible ang inyong mga animal signs na isang goat at isang rooster ay isa naman sa best couples ang Aries at Sagittarius na mga zodiac signs nyo. Kaya ang inyong compatibility ay balanse lang.

  1. Elizabeth Pansensoy

TANONG: August 8, 1975.

SAGOT; Taglay mo ang kakayahan ng rabbit na mapagmahal at palaging nagpapaubaya.

  1. Juanafe Castillo Bongolan

TANONG: Compatible po ba kami ng partner ko? Oct. 31, 1964 ako po Feb. 16,1984

SAGOT: Compatible ang inyong animal signs na isang Dragon at isang Rat. Pero bilang Scorpio at Aquarius ay hindi kayo nagtutugma kaya nasa gitna lang ang positivity at negativity sa inyong relasyon.

  1. Tumandao Liezel

TANONG: Makakatuluyan ko po ba yung kinakasama ko ngayon, malaki ang agwat namin. Sept.10,1990 siya. Ako naman po May 4,1979. Thank you po.

SAGOT: Age doesn’t matter plus compatible pa ang inyong mga animal signs kaya may patutunguhan ang inyong relasyon. Gawin lamang sentro ng inyong pagsasama ang Diyos.

  1. Lyn A. Visaya

TANONG: Tanong ko lang po kung may soulmate talaga ako at kung taga saan siya? Salamat po.

SAGOT: Lahat ng tao ay may soulmate, minsan ito ay natatagpuan sa isang kaibigan. Kung ang ibig mo namang sabihin ay lovelife, huwag kang mawalan ng pag-asa dahil may darating para sa’yo na mula sa ibayong dagat.

  1. Maria Cecille Salonga

TANONG: Kailan po darating at saan manggagaling ang suwerte at magandang kapalaran para sa akin at ang the one ko? Oct.21,1965 po ako.

SAGOT: Kakatok din ang oportunidad sa’yong buhay na hindi man magpapayaman ay magpapaluwag naman sa’yo ng konti. Mas malaki ang posibilidad na sa susunod pang taon. Paudlot-udlot ang pagdating ng tao na makakapagpasaya sa’yo dahil nahaharangan pa siya ng mga negatrons at wala kang magagawa kundi maghintay dahil malayo pa ang kanyang panggagalingan.

  1. Cherry Joy Mercado

TANONG: Anong kapalaran ang naghihintay sa akin? Oct 12, 1996.

SAGOT: Bilang isang rat ay magaling kang magresolba ng problema kaya ang pagsubok na darating sa buhay mo ay hindi ka masyadong mabibigatan.

  1. Andres Mirano

TANONG; Bakit ang ilap sa akin ng suwerte?

SAGOT: Dahil ayaw mong pakawalan ang mga bagahe mo sa dibdib na siyang nakakapagpabigat sa’yo at nakakapagpailap sa paglapit ng suwerte. Subukan mong maging positibo at samahan mo ng taimtim na panalangin. Siguradong magbabago ang ihip ng hangin.

  1. Mylene Basay

TANONG: Ano po ang ibig sabihin sa panaginip ng hinahabol ka ng alon ng tubig pero hindi ka maabutan hanggang sa mawala na lang ang alon?

SAGOT: Ito ay nagbabadya ng mga di kanais-nais na mangyayari sa buhay mo. Ihanda mo ang iyong sarili dahil hindi porket hindi ka inaabutan ng alon sa panaginip ay ganoon na rin ang mangyayari sa katotohanan. Babala lamang ito na hindi mo dapat ipagsawalang bahala.

  1. Bernie San Juan

TANONG: Babalik pa po ba ang ex ko sa’kin? Maraming beses ko na kasi siyang nasaktan emotionally.

SAGOT: Hinding hindi na. Malabo na balikan ka pa niya dahil itinulak mo na siya palayo sa’yo at palapit sa bago niyang minamahal ngayon ng higit sa pagmamahal na inukol niya sa’yo. Huwag mo siyang sisihin, hindi mo nama siya binigyan ng halaga kaya deserve niya ang maging masaya sa piling ng iba.

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here