Tanong mo Sagot ko June 18

0
432

Latest posts by Morena (see all)

1.Mark Requija

TANONG: October 28,1979. Ano po kapalaran ko sa negosyo at ano po ang nararapat na hanapbuhay para sa akin?

SAGOT: Piliin mo ang trabaho na alam mong mahusay ka at hindi lang dahil sa iyon ang available para sa’yo. Kung magagawa mo ito ay ito ang maghahatid sayo ng suwerte. Ang trabahong lalapit sa’yo ay makakatulong din subalit meron pa ring darating na mas higit na babagay sayo. Ito ay may kinalaman sa pagkain.

  1. Cherry Silvano

TANONG: July 4 ako, ano po masasabi nyo sa’kin? Thanks.

SAGOT: Magkakaroon ka ng pagdududa sa isang taong nais tumulong sa’yo. Mas makakabuti kung tatanggapin mo na lang ang kanyang tulong kaysa paniwalaan ang sinasabi ng mga negatrons sa paligid mo.

  1. Rhica Gavino Agustin

TANONG: Compatible po sign namin mag-asawa, Oct.17,1982 po siya year of the dog, ako March 7,1986, year of the tiger. Bakit po naghanap siya ng iba nung nasa abroad na naging dahilan ng hiwalayan namin. Dalawa na din kasi anak niya dun. Ni hindi kami mabigyang pagkakataon na makapag-usap ng maayos tungkol sa mga nangyari at sa anak namin. Wala siyang kusa at takot dun sa babae. Magkakabalikan pa kaya kami o talagang wala na.

SAGOT: Tulad ng soulmates, hindi lahat ay nagkakatagpo o magkatagpo man ay nagkakahiwalay din ng landas. Kaya ang pagiging compatible ng inyong mga sign ay hindi seguridad sa inyong relasyon. Ang pagiging compatible ay nangangahulugan lang na mas maraming bagay kayong pagkakasunduan kaysa hindi. Ngayong magkahiwalay na ang inyong landas ay may kalabuan na ang inyong pagbabalikan. Maliit lang ang tsansa dahil sa malaking hadlang na nakapagitan sa inyo, ang tinutukoy kong hadlang ay ang mismong damdamin niya para sa iba. Mas makakabuting ituon mo muna ang atensyon mo ngayon sa mas makabuluhan gaya ng iyong mga anak dahil ang tsansa ng inyong pag-uusap ay may kalabuan pa sa taong ito. Subalit huwag kang malungkot dahil darating at darating ang araw na magkukrus ang inyong landas at mangyayari ang pag-uusap sa ayaw ninyo at sa gusto.

  1. Unorganic Uno

TANONG: Makakatama po ba ako sa ez2?

SAGOT: Maliit ang tsansa ng iyong pagtama. Mas susuwertehin ka sa trabaho kaysa sa mga sugal.

  1. Lilia Barcinilla

TANONG: Tanong ko lang po, matutuloy na kaya ang anak ko sa pag-abroad? Birthday po niya September 23,1989. Ako po March 4,1961. Thanks po.

SAGOT: Balanse lang positibo at negatibo sa ngayon. Konting push at effort pa. Pero darating at darating sa kanya ang pagkakataong ito.

  1. Rabi Nineta

TANONG: Ano po ang tingin nyo sa akin? Nov.28 1974

SAGOT: Bilang isang Tiger , taglay mo ang katangiang palaban. Sumasagupa ka sa mga pagsubok nang hindi nagpaplano. Ito ang kailangan mong pag-aralan sa iyong ugali dahil ikakapahamak mo ito. Maging matapang ka sa panahon na kailangan lang.

  1. Baby Diez Magsumbol

TANONG: October 1,1979 po ako.

SAGOT; Isa kang goat. Mabait subalit sunud-sunuran at madaling maimpuwensyahan ng iba. Paminsan minsan ay pakinggan mo ang sarili mong desisyon.

  1. Anabel Rubio

TANONG: Ano po ang ibig sabihin pag nanaginip ka ng tubig?

SAGOT: Kung ang tubig ay malinis ito ay nangangahulugan ng paparating na suwerte. Kung ang tubig naman ay maitim ito ay nagbabadya ng kamalasan.

  1. Jacquilyn Alaminos

TANONG: Isa po akong lesbian. Bakit po sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sa girlfriend ko ay nakuha pa rin niya akong ipagpalit sa iba?

SAGOT: Dahil ang puso ay hindi natuturuan gaya ng isip. Kahit ibigay mo pa ang buong mundo kung hindi naman ikaw ang itinitibok ng puso o dili kaya’y nagbago ang tibok ng puso ng girfriend mo para sa’yo, wala kang magagawa kundi tanggapin ito.

  1. Marian Pablo

TANONG: Ano po ang dapat gawin para hindi mabaon sa utang?

SAGOT: Iwasan ang magbayad ng utang na galing din sa utang. Ito ang magbabaon sa’yo. Mas makakabuti kung matututunan ang tamang diskarte ng pag-iimpok at malalaman ang kahalagahan ng pangangailangan kaysa kagustuhan lamang.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here