Tanong mo Sagot ko June 15

1
229

Latest posts by Morena (see all)

1.Cinteeia B. Banz

TANONG: Bagsak po ang buhay namin ngayon. Kelan po kaya kami makakaahon/ Aug.11,1979 po ang birthday ko.

SAGOT: Darating din ang suwerte sa buhay nyo ng pamilya mo. Naantala lamang ito dahil sa mga nega vibes sa paligid nyo. Subukan ninyong maging positibo at pag-ibayuhin pa ang pagsisikap. Huwag din kalimutan ang manalangin dahil hindi kayo nito bibiguin. Mas epektibo ang sama-samang panalangin ng isang pamilya.

  1. Cherry Mae Langgamon

TANONG: Good pm. Pakibasa lang po sa kapalaran ko. June 12,1986. Kung bakit palagi kaming nag-aaway ng asawa ko.

SAGOT: Ang ka-compatible ng tiger na tulad mo ay horse at dog, kung hindi ito ang animal sign ng asawa mo ay nangangahulugan na hindi kayo komportable sa isa’t-isa kaya marami kayong hindi napagkakasunduan na nagiging sanhi ng inyong away. Pero marami namang mag-asawa ngayon na matiwasay na nagsasama kahit hindi comfortable ang mga signs nila, iyon ay dahil ginagawa nilang sentro ng kanilang pagsasama ang Diyos at iyon ay isang matibay na sandigan.

  1. Castillo Mila

TANONG: Good day. About sa anak ko. Feb.29,1992.

SAGOT: Monkey ang animal sign ng iyong anak. Wala kang dapat ipag-alala dahil ang tulad niyang monkey ay maparaan sa buhay. May angking talino kaya saan man mapadpad ay hindi mapaglalalangan. Malapit sa kanya ang suwerte.

  1. Juanita Aldaba

TANONG: Pwede po pahula,June 22,1962. Ang asawa po niya ay December 19,1961. Salamat po sa sagot. God bless.

SAGOT: Hindi compatible ang kanilang mga animal sign kaya expected na ang madalas na hindi pagkakaunawaan. Gayunpaman, lapitin pa rin sila ng suwerte , isa sa kanila ay may malakas na positibong pananaw at ito ang humahatak ng suwerte sa kanila.

  1. Lailanie Aranel

TANONG: Good am po madam. Tanong lang po kung may pag-asa pa ako na makaahon sa hirap. At kung may makakatapos sa mga anak ko sa pag-aaral. Puro po hirap. Isang kahig isang tuka. Priority po makatapos kahit isa lang sa siyam na anak ko. Dec.6,1976 po b-day ko po.

SAGOT: Huwag kang mag-alala dahil may makakatapos sa mga anak mo at hindi lang isa. Sila ang magiging suwerte mo sa buhay. Ipagpatuloy ang taimtim na pagdarasal at pagsisikap sa buhay. Pinagpapala ang mga taong may tyaga at hindi nawawalan ng pag-asa.

  1. April Summer Tiangco

TANONG: Ask ko kung may pag-asa pa na matupad ang pangarap kong magkafarm at umasenso sa buhay namin. July 9, 1968 b-day ko.

SAGOT: May kalabuan pa ang katuparan ng pangarap mong farm. Ibang negosyo ang magdadala sa’yo ng suwerte. Subukan mo ang online business na may kinalaman sa pagkain.

  1. Melissa Laniojan

TANONG: Tanong ko lang po may pag-asa pa ba’ko umasenso at makapunta ng ibang bansa. Thanks po. Dec, 31,1982.

SAGOT: Malaki ang pag-asa ng iyong pag-asenso. Mag-ingat ka lamang sa mga bagong makikilala na magpapanggap na kaibigan. Ituon mo ang atensyon sa pagtupad sa pangarap. Sa ibang bansa man o dito sa ating sariling bayan.

  1. Reina Jean Rigonan Eleno

TANONG: Ako po makakapagtapos po ba ako ng pag-aaral?

SAGOT: Makakapagtapos ka. Iwasan mo lang magpadala a impluwensya ng mga hindi totoong kaibigan. Nakasalalay sa iyo ang kinabukasan mo kaya ipokus mo ang iyong atensyon sa kagustuhan mong makapag-aral.

  1. Janine Lucas

TANONG: Makakapag-asawa pa po ba ako? 35 na po kasi ako pero wala pa po akong boyfriend.

SAGOT: Bata ka pa at malaki pa ang pag-asa mo. Huwag mong pansinin ang mga nasa paligid na nambubuska sa iyo dahil ang kapalaran mong pag-ibig ay mula pa sa malayo. Magmumula siya sa isang malayong bansa.

  1. Marcus Sucram

TANONG: Totoo bang mahal ako ng girlfriend ko? Kung hindi kasi ako magparamdam sa kanya ay hindi rin siya nagpaparamdam.

SAGOT: Mahal ka niya pero tulad mo ay nakikiramdam lang din siya sa’yo. Mas makakabuti kung aagapan ninyo ng masinsinang pag-uusap ang problema nyo dahil kung hindi’y mauuwi lang kayo sa paghihiwalay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

1 COMMENT

  1. magiging maayos p po ba ang pgssma nmin mg asawa…ttoo po kya un cnbi nia skin n wla cia nging babae s buhay nia kndi ako lng jan 3.1980 po bday nia at ako nmn po ai march 19 1982..my dlwa po kmi ank n babae t puo maliit pa. isa po akong ofw s malaysia t ksalukayang nand2 ngyon pr mgtrbaho..pdlawa alis kn po e2 ilan beses kna dn po nhuli ng ccnungaling…ggnda po ky ang buhay nmn t mkkatikha pb kmi ng bhay…mrming slamat po nway msgot nio ang mga tnung k gulong gulo n po ako e slamat po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here