Tanong mo Sagot ko June 13

0
155

Latest posts by Morena (see all)

1.Rhica Gavino Agustin

TANONG: Bakit ganun po? Dami ko pinahiram na pera pero pag kailangan ko na di man sila makabayad, ako tuloy ang nababaon sa utang. Wala din yata ako suwerte sa pag-ibig. Kasi husband ko iniwan ako. Nagkarelasyon na rin ako sa iba inutangan lang ako at niloko din. Itong isa naman pamilyado naman, ayaw ko naman ng ganun. Masaya naman ako sa buhay ko pero sa tuwing dumaranas ako ng mga pagsubok naluluha talaga ako. Kasi parang ang pait ng kapalaran ko pagdating sa pera at pag-ibig. Lagi ako naiiwan sa ere. March 7, 1986 po b-day ko.

SAGOT: May paniniwala na tayo na ang lahat ng mga taong dumarating at umaalis sa buhay natin ay may mission na ginagampanan sa atin. May mga tao na naging bahagi ng buhay natin para magbigay saya, meron naman para magbigay ng aral. Hindi ka ba nakahalata? Lahat ng nangutang sa’yo na hindi nagbayad at lahat ng pag-ibig mo na hindi nagwork ay dumating sa buhay mo para bigyan ka ng aral pero sa kabila nito ay hindi ka natuto kaya hangga’t hindi ka natututo ay patuloy mo lamang aanyayahan ang mga negatrons sa buhay mo. Hindi kasalanan ang hindi magpautang kung ito rin lang naman ang makakapagbaon sa’yo sa utang. Sabi nga sa bibliya, sa halip na bigyan sila ng isda ay turuan mo silang mangisda, sa ganung paraan mo sila dapat tulungan. Sa relasyon naman, sa mga pinagdaanan mo at karanasan, alam mo na dapat kung ano ang diskarte sa mga maling pag-ibig. Magrelaks ka na lang muna at huwag munang bigyang pansin ang lovelife , may darating para sa’yo at kapag dumating siya ay hindi na siya mawawala kahit ano pang taboy ang gawin mo dahil siya ang laan sa’yo.

  1. Marialyn Cabrera Demolar

TANONG: Good am. Tanong ko po ang situation ko ngayon, may pag-asa pa kaya makaahon with my family? May 27,1967.

SAGOT: Medyo mailap pa lang ang suwerte ngayong taon, pero huwag mabahala dahil malapit na ang taon na makakatikim naman kayo ng ginhawa.

  1. Talita Divina

TANONG: Magkakabalikan pa ba kaming mag-asawa. Nagkahiwalay po kami. Ano pong magandang negosyo po sa akin? Aug 7, 1958 po ako, July 31, 1955 po ang asawa ko.

SAGOT: Hindi compatible ang Animal Zodiac nyo kaya patuloy kayong dumaraan sa pagsubok. Kailangan ninyong gawin sentro ng pagmamahalan nyo ang Diyos dahil kung hindi ay mananatili kayong magkahiwalay. Subukan mo ang ang online business, malaki ang maitutulong nito sa’yo.

  1. Era Gerasol

TANONG: Good am po. Please po pakibasa ng kapalaran ko. Bakit puro na lang sakit. Nov.23, 1986 po ako.

SAGOT: Ang lahat ng sakit na nararanasan mo ngayon ay lilipas din. Bahagi lamang ito ng mga pagsubok na ibinigay sa’yo. May kakaibang lakas ang tiger na siyang taglay mo kaya magdasal lamang at maniwala sa kapangyarihan nito.

  1. Kaye Artillero

TANONG: Good am po. Makakapagtapos po kaya ako sa pag-aaral ko?

SAGOT: Malaki ang posibilidad na matapos mo ang iyong pag-aaral, iwasan mo lang ang mga negatrons na nagbibigay sa’yo ng nega vibes. Piliin mo ang mga kakaibiganin mo.

  1. Josie Inducil

TANONG: Ano po the best na negosyo na dapat ko pasukin at ano po magandang gawin para manalo sa casino? Salamat po.

SAGOT: Maganda ang online business sa’yo na may kinalaman sa beauty products. Walang magandang kapalaran ang naghihintay sa’yo sa casino kaya huwag mo na itong pagtuunan.

  1. Ophelle Rances Stewart

TANONG; Ano kaya naghihintay na kapalaran sa pamangkin ko? Single mom siya of 2. Para kasing depressed, feeling hopeless o nagrerebelde siya na di maintindihan. Nag-aalala kami para sa kanya at lalo sa 2 niyang anak. May 9, 1985, salamat. Makakapag-asawa ba siya ng matinong lalaki at aasenso po ba siya?

SAGOT: Kailangan niya ang inyong gabay. Sadyang may katigasan ang ulo ng isang nasa ilalim ng ox subalit deep inside ay naghahanap lang siya ng peace of mind na hindi niya matagpuan sa kanyang paligid. Sa halip na kagalitan ay unawain nyo siya at iparamdam ang kanyang halaga. May darating na matinong lalaki sa buhay niya at mag-aahon sa kanya sa hirap subalit hindi pa ngayong taon o sa susunod. May mga pagsubok pa siyang pagdaraanan at inaasahan niya ang inyong pagdamay sa kabila ng kalituhan ng kanyang isip.

  1. Irene Bonbon

TANONG: October 24,1984 b-day ko. Binabalak kong mangibang bansa. May maganda kayang kahihinatnan kung itutuloy kong mangibang bansa? Uunlad kaya ako at makakatagpo ng mabait na amo o mananatiling dito na lang ako.

SAGOT: Problem solver at hyperactive worker ang isang rat na tulad mo kaya kahit saan ka magpunta ay asahan mong may magandang kapalaran ang naghihintay sa’yo. Ang pag-unlad ay hindi malayo sa iyong kapalaran subalit marami ka pang pagdaraanang pagsubok na hindi mo dapat sukuan.

  1. Sanny Sumeguin

TANONG; Gud pm .Ask lang po kung anong magandang negosyo para sa ipinanganak ng Mayo, 10, 1981. Salamat.

SAGOT: Negosyo na may kinalaman sa pagkain ang nababagay sa’yo. Nandito ang suwerte mo.

  1. Alma Villalobos

TANONG; Tanong ko po magiging success po ba ako sa negosyo July 22, 1979 po.

SAGOT: Mabait ang kapalaran sa mga goat na tulad mo. Panatilihin mo lang ang pagiging positibo lalo na sa negosyo at hindi ka mabibigo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here