Tanong mo Sagot ko July 6

3
405

Latest posts by Morena (see all)

1.Josephine Mananghaya

TANONG: July 22, 1977. Makakasama ko kaya dito sa Japan mga anak ko sa Pinas?

SAGOT: Mangyayari ‘yan. Subalit kailangan mo pang maghintay. Hindi magiging ganon kadali pero mangyayari pa rin dahil iyon ang inyong kapalaran.

  1. Mary Jane Llabore

TANONG: July 6, 1989. Mahilig din ako tumaya sa lotto.

SAGOT: Mailap ang suwerte mo sa lotto kaya mas mainam kung sa trabaho ka na lang magpopokus at gayundin sa mga sideline.

  1. Maricar Estoy

TANONG: Magkikita pa kaya kaming magkapatid. Matagal na kaming d nagkita mula pagkabata ko.

SAGOT: Ipagpatuloy mo lang ang pananalangin sa Diyos dahil walang imposible sa kanya. Magiging mabait sa inyong magkapatid ang kapalaran kung magiging positibo ka rin sa pagtingin dito. Darating din ang oras ng inyong paghaharap.

  1. Marites Hernandez

TANONG: Ano kapalaran ko sa financial at lovelife? Babalik pa kaya si Oct. 23, 1966, ano po kaya ang nangyari sa kanya? Almost 2 weeks na po siyang hindi nagmemessage sa akin. Meron na kaya siyang iba?

SAGOT: Magpaparamdam siya ulit sa mga susunod na araw. May nakahadlang ngayon sa pagitan ninyong dalawa at naguguluhan pa siya kaya pinili niyang umiwas na lang muna. Magiging maayos ang iyong lovelife sa mga susunod pang taon. Sa financial ay walang pagbabago ang galaw ng kapalaran. Maaring gumamit ng lucky charms upang makaakit ng suwerte at pag-ibayuhin pa ang pagdarasal.

  1. Rutchie Condeza

TANONG: Magiging kami po ba ng boyfriend ko ngayon?

SAGOT: May posibilidad na maging kayo kung malalampasan nyo ang pagsubok na darating sa inyo bago ang paglagay sa tahimik. Magtiwala sa isa’t-isa hindi sa sinasabi ng iba.

  1. Angela Pearl Ramirez

TANONG: Makakapag-abroad pa ba ako this year? Sept.25,1970.

SAGOT: May kalabuan pa ngayong taon. Mas malamang ang posibilidad sa susunod na taon.

  1. Mirasol Buendia

TANONG: Ano po ba ang pwedeng gawing ritwal para mawala na yung mga taong naiinggit sa’yo?

SAGOT: Wala. Bagamat may mga lucky charms na ginagamit upang maakit ang iba sa iyong personalidad, ang mga taong may bitbit na inggit ay hindi nauubos.

  1. Anna Co

TANONG: Ano ba ang mas malakas, yung mangkukulam o mambabarang?

SAGOT: Mas makapangyarihan ang mambabarang kaysa mangkukulam. Sa hipo pa lang sa’yo ay kaya ka na niyang barangin. Kaya rin niyang bumasag ng kulam at manggamot.

  1. Miko de Jesus

TANONG: Magkakabalikan pa ba kami ng gf ko? Ilang beses na kaming nagbreak pero nagkakabalikan din kami. Nitong huli ay matindi ang naging away namin dahil nahuli niya akong may iba.

SAGOT: Hindi na. Napagod na rin siya sa wakas kakaunawa sa’yo. Makakatagpo siya ng tunay na magmamahal sa kanya at ni hindi ka na niya maiisip. Mahirap talagang mawala ang tiwala.

  1. Hazel Camero

TANONG: Paano po ba makakalimot ng mabilis sa taong nanakit sa’yo?

SAGOT: Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na matuon ang pansin sa mas interesanteng bagay o tao para malibang ka at sa ganoong paraan ay malilimutan mo siya nang hindi mo inaasahan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

3 COMMENTS

  1. my pag asa bang manalo ako at umasenso ang buhay ko
    at mahal ba ako ng taong huli kung nka relasyon ngayon….?

  2. madam ask ko lng kung may pag asa p po ba gumanda buhay ko..kung sakaliag apply po ako s mga pabrika me tsansa po b matnggap aq..at qng skali s abroad anong bansa at dpt qng applyan,,,,s love life po compatible po b kmi,,,8/15/69 po x at 8/10/79 po ako,,,mraming slmat po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here