Tanong mo Sagot ko July 2

0
358

Latest posts by Morena (see all)

1.Jovie Bobiles Rellora

TANONG: May pag-asa po ba ako manalo sa lotto, maghihiwalay po ba kaming mag-asawa? Ako po ay Feb.15 1963 at ang asawa ko ay Feb.16, 1967.

SAGOT: Compatible ang rabbit sa goat kaya mas malaki ang tsansa na hindi kayo maghiwalay. Malabo pa ang suwerte mo sa lotto kaya ituon mo ang atensyon mo sa trabaho.

  1. Pen Nel Let

TANONG: Makakatapos po ba anak ko sa pagka-nursing? Nov.13, 1999 po ang birthday. Maraming salamat po.

SAGOT: Makakatapos siya. Kakailanganin niya ang iyong gabay dahil maraming negatrons ang umaaligid sa kanya ngayon.

  1. Teresita Pusing

TANONG: Sept. 30,1967. Mahilig ako tumaya sa lotto. Mananalo po kaya ako?Sabi nila swerte daw ako ngayon kasi numero 3 ako. May darating ba na magandang kapalaran sa akin ngayon at sa susunod na taon?

SAGOT: Hindi pa ito ang taon na susuwertehin ka sa lotto. Mas paborable para sa’yo ang susunod na taon kaysa ngayon. Mas maraming biyayang hatid ang taon ng Pig dahil compatible ang pig sa goat kaya ang suwerte ay aambon din sayo.

  1. Lilia Barcinilla

TANONG: Good morning po. Ask ko lang po , matutuloy po ba anak ko sa pag-abroad? Birthday po niya Feb.7, 1997.

SAGOT: May tsansa siyang matuloy pero mas masuwerte ang susunod na taon para sa kanya kaysa ngayon.

  1. Otreb Sbeb

TANONG: Ano pong naghihintay sa aking kapalaran? March 1,1982.

SAGOT: Napapaligiran ka ng mga negatrons. Dapat mo silang iwasan dahil hihilahin ka nila pababa. Maging positibo sa lahat ng oras lalo na sa oras ng kagipitan.

  1. Rodelia Alcesto

TANONG: Ano po ba ang kapalaran ko? April 19, 1972.

SAGOT: May naghihintay na oportunidad . Huwag mo itong pakakawalan dahil makakatulong ito sa’yo.

  1. Evangeline Queja Asuncion

TANONG: Pahula naman po, April 13, 1977 birthday ko.

SAGOT: Maganda ang pasok ng suwerte ngayong taon pero kasabay din nito ang pagpasok ng mga bad influence sa buhay mo kaya maging mapagmatyag at huwag magpapadala sa sinasabi ng iba.

  1. Mhae Tolentino

TANONG: November 9, 1973 po ako. Ano na po naghihintay na kapalaran sa taong ito? Makakabayad ba’ko ng utang?

SAGOT: Makakabayad ka naman subalit hindi pa lahat. Balanse lang ang positibo at negatibo ngayong taon. Wala kang masyadong dapat ipag-alala.

  1. Gloria Yutuc

TANONG: Fire and water kaming dalawa. Lagi kaming nag-aaway.

SAGOT: Natural lang ito dahil magkaiba kayo ng elemento. I-expect mo na ang madalas na banggan ninyong dalawa. Subalit importante pa rin ang pagdarasal upang may patunguhan ang isang relasyon ito man ay hindi compatible sa isa’t-isa. Ito ang magiging sandata.

  1. Anna Maye

TANONG: Babalik pa po ba sa akin ang boyfriend kong naagaw ng iba?

SAGOT: Hindi na. Malabo na ito dahil iba ang nakalaan sa’yo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Tanong Mo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here