Tanong mo Sagot ko July 17

3
618

Latest posts by Morena (see all)

1.Jasmine Cue

TANONG: Kailan po kaya darating ang magandang kapalaran para sa akin?

SAGOT: May kalayuan pa ito dahil napapaligiran ka ng nega vibes kaya nahaharangan nito ang suwerte. Ikaw mismo ay isang negatron, dapat mo itong iwasan. Maging positibo at dagdagan pa ang pananalig sa Maykapal.

  1. Alexa Martinez

TANONG: Bakit po hindi ako tinatantanan ng problema? Minsan tuloy ay naiisip ko nang magpakamatay na lang.

SAGOT: Iyan ang huwag na huwag mong gagawin dahil hindi ito ang solusyon sa mga problema mo. Marami sa’tin ang nakikipaglaban sa malulubhang sakit gayundin sa iba pang mas mabigat na problema sa hangarin na madugtungan pa ang buhay. Dahil masarap ang mabuhay at ang problema ay isang bahagi lamang nito na sumusubok sa ating kakayahan at pananalig. Bawat bukas na dumarating ay may dalang pag-asa kaya huwag agad susuko.

  1. Harlene Pablo

TANONG: Sino po ba ang may mas higit na kakayahan, ang babae o ang lalaki?

SAGOT: Sa anong kakayahan ba ang tinutukoy mo? Ang mga babae at mga lalaki ay may kanya-kanyang kakayahan. May mga babae na nagagawa na ang kayang gawin ng lalaki at meron ding mga lalaki na kayang gawin ang ginagawa ng mga babae. Sa aking palagay ay hindi na gender ang basehan ng isang kakayahan kundi nasa pangangatawan at isipan ng isang tao.

  1. Mary Dabin

TANONG: Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko na isa raw akong buntis pero ang totoo ay hoping pa lang po ako.

SAGOT: Ito ay dahil sa tindi ng iyong pagnanais na ikaw ay mabuntis kaya sa pumapasok ito sa iyong panaginip. Huwag kang masyadong mag-alala dahil darating ang panahon na ikaw ay magbubuntis at malapit na ang panahong iyon.

  1. Jane Manangkil

TANONG: Ano po ang naghihintay na kapalaran sa akin ngayong taon?

SAGOT: Ang natitirang kalahating taon ay magiging mabait sa’yo. Hindi ka magiging mayaman pero walang problema ang aakyat sa hagdan mo at isa iyong magandang kapalaran para sa’yo dahil ang mga nakaraang taon ay puno ng pagdurusa.

  1. Ronnie Gapo

TANONG: Makakabalik pa po kaya ako sa Saudi?

SAGOT: Oo pero matatagalan pa, ilang taon pa ang iyong palilipasin subalit ang pagkakataong iyong hinihintay ay mas magiging maganda kaysa sa dati.

  1. Jaime Quintin

TANONG: Ano po ba ang kainamang negosyo para sa isang tulad kong mahilig sa pagkain, sari-sari store ba o karinderya?

SAGOT: Parehong maganda ang ipapasok na suwerte nito sa’yo, mas matimbang nga lang ang sari-sari store. Magiging mabenta ka rin online.

  1. Debra Piho

TANONG: Ano po ba ang magandang kurso na pwedeng kunin?

SAGOT: Depende sa nilalaman ng puso mo. Kung ano yung nagbibigay ng interes sa’yo ay yun ang piliin mo.

  1. Myra Yambao

TANONG: Bakit po kaya nanlalamig sa’kin ang bf ko. Meron na kaya siyang ibang mahal?

SAGOT: Ikaw lang ang mahal niya pero nagkakaroon siya ng pag-aalinlangan o pagdududa sa pagmamahal mo dahil sa isang kaibigan na masyadong malapit sa’yo.

  1. Zeny Ambrocio

TANONG: Kailan po kaya namin maipapagawa ang bahay?

SAGOT: Mas malamang sa isang taon, dahil hanggang sa katapusan ng taong ito ay balanse lamang ang negatibo at positibong pwersa sa inyo , may mga pagkakataon pang lumalamang ang negatibo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

3 COMMENTS

  1. Sa tingin mo may tatagal saakin .mga karelasyon ko kc laging ako iniiwan .siguro panget hitsura ko or di ako nabubuntis now.may bagong ako bf black American sa tingin mo pag habang buhay ko na sya or pangtagalan asawa salamat po

  2. Gusto kopo sana malaman kung may lihim po ba ang asawa ko? Nov 23,1981 birthday nia.
    Minsan po kasi may nararamdaman ako pero wala naman me ibendenxa. At sinasabi niya na wala naman talaga feb 19,1983
    Ang birthday kopo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here