Tanong mo Sagot ko July 11

0
184

Latest posts by Morena (see all)

1.Rebecca Atienza

TANONG: Ano po ang kapalaran ko, giginhawa po ba ang buhay ko? Ipinanganak po ako noong Apri 30, 1973

SAGOT: Dagdagan mo pa ang sipag at pagsisikap at darating din sa iyo ang suwerte. May pagbabago ring magaganap sa buhay mo at malamang doon ang positibo.

2.Rutchie Condeza

TANONG: Ano po ba ang kapalaran ko April 11, 1994

SAGOT: Ito ang iyong taon bilang dog, kaya mas malamang sa’yo ang positibong kapalaran kaysa negatibo lalo na sa mga huling buwan ng taon.

  1. Gilw Koh

TANONG: Pwede din po ba ako magtanong, ahm, ano po kaya ang naghihintay na future sa akin? Ako po si Analiza Peralta. Pinanganak noong April 12, 1985. Salamat po sa tugon.

SAGOT: May oportunidad na hindi mo matatanggihan at ito ang magiging susi ng magandang buhay para sa’yo. Huwag mo lang bibigyan ng atensyon ang mga negatrons sa paligid mo dahil hihilahin ka nila pababa.

  1. Maria Cecille Salonga

TANONG: Ano po ang naghihintay na kapalaran sa akin ngayong July hanggang December 2018. October 21, 1965 po ako. Maraming salamat.

SAGOT: Nakakalamang ang positibong kapalaran kaysa negatibo sa mga huling buwan ng taon. Dagdagan pa ang pagsisikap at samahan ng taimtim na dasal.

  1. Juanafe Castillo Bongolan

TANONG: May tsansa po ba ako manalo ng lotto 6 days, ngayong buwan ng July 18. Thanks po.

SAGOT: May kalabuan pa ito, mas masuwerte ka sa negosyo, ito ang pagtuunan mo ng pansin.

  1. Maryjane Daba

TANONG: Matutuloy po ba ako sa abroad?

SAGOT: Matutuloy ka pero hindi ngayong taon. Magandang kapalaran ang naghihintay sa’yo sa mga susunod na taon.

  1. Aira Yamin

TANONG: Sino po ba ang dapat kong sagutin sa dalawang manliligaw ko, pareho silang mabait at parehong may kaya sa buhay.

SAGOT: Iyong may malaking respeto sa mga magulang mo ang dapat mong sagutin. Siya yung laging dumadalaw sa’yo kahit hindi siya madalas sa online.

  1. Marla Baron

TANONG: Kailan po giginhawa ang buhay naming pamilya?

SAGOT: Nahaharangan ng nega vibes ang suwerteng paparating sa buhay mo, alisin mo ito at maging positibo nang sa ganon ay makamtan mo na ang ginhawa.

  1. Sol Padis

TANONG: Kailan po kaya kami magkakaanak ng kinakasama ko, dalawang taon na po kami nagsasama.

SAGOT: Ilang taon pa kayong maghihintay, pero hindi ito dapat ikainip o ikabahala dahil ang inyong anak ay darating sa perpektong panahon para sa inyong dalawa.

  1. Deya Girana

TANONG: May suwerte po ba ako sa negosyo?

SAGOT: Meron. Taglay mo na ang suwerteng ito bata ka pa lang. Pero ang suwerte sa negosyo ay hindi mo mararamdaman dito kundi sa ibang bansa.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here