Tanong Mo Sagot Ko Aug 12

1
103

Latest posts by Morena (see all)

1.Analyn Austria Erinco

TANONG: May pag-asa bang manalo ako at umasenso ang buhay ko? At mahal ba ako ng taong huli kong nakarelasyon ngayon?

SAGOT: Malabo ang pag-asa mong manalo sa kung anuman ang iyong sinalihan. Mas malaki ang pag-asa mong umasenso kung magsisikap ka. Hindi ganon ka-solid ang pagmamahal sa’yo ng huli mong karelasyon. Kailangan ng mahabang pundasyon upang maging malalim ito.

  1. Miss Leo

TANONG: Madam, ask ko lang kung may pag-asa bang gumanda ang buhay ko, kung sakaling mag-apply po ako sa mga pabrika, may tsansa ba na matanggap ako? At kung sakaling sa abroad, anong bansa ang dapat kong applayan? Sa lovelife, compatible po ba kami? 8-15-69 at 8-10-79.

SAGOT: Malaki ang pag-asa na gumanda ang buhay mo dito sa sarili nating bansa. May magandang oportunidad sa isang kumpanya dito at malapit na iyong dumating sa buhay mo. Hindi kayo compatible pero may pag-asa kung ikaw ang magdadala ng relasyon.

  1. Lhy

TANONG: Sa tingin mo may tatagal sa akin? Mga karelasyon ko kasi lagi akong iniiwan. Siguro pangit hitsura ko o di ako nabubuntis now. May bago akong bf, black american, sa tingin mo panghabambuhay ko na siya or pangmatagalan na asawa?

SAGOT: Hindi ka inaayawan dahil sa yong hitsura o dahil sa hindi ka magkaanak. Sadyang ang pag-ibig ay makapangyarihan at kusa itong nararamdaman. Kung walang pag-ibig ay asahan mong walang tibay ang isang relasyon. May posibilidad na ang karelasyon mo ngayon ang tumagal sa’yo pero marami ring balakid ang madaraanan nyo kaya maging matatag.

  1. MJ

TANONG: Gusto ko po sana malaman kung may lihim ang asawa ko, Nov, 23,1981.Minsan po kasi may nararamdaman ako pero wala naman akong ebidensya. At sinasabi niya na wala naman talaga. Feb.19,1983 po ako.

SAGOT: Wala siyang lihim. Sadyang may mga pagkakataon lang na lumalamig ang isang relasyon. Kailangan mo lang mag-isip ng mga bagong strategy para muling mag-alab ang pagtitinginan nyo kaysa pinagdududahan mo siya.

  1. Akhieko Heo

TANONG: Mahal ba talaga ako ng asawa ko or mahal lang niya ako kasi kailangan niya ko? Magtatagal ba kami?

SAGOT: Mahal ka niya pero mukhang ikaw ang nagdadalawang isip sa pag-ibig niya. Bago mo siya pagdudahan ay siguruhin mo muna sa sarili mo ang iyong nararamdaman. Ang itatagal ng inyong relasyon ay nakadepende sa’yo. Kung bubuuin mo ang iyong pagtitiwala ay mas makakabuti. Huwag mo lang isasagad ang pagmamahal mo sa kanya, magtira ka para sa sarili mo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

 

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here