Tanong mo Sagot ko April 16: Ang kasagutan sa pitong tanong mula sa mga nagkomento

5
379

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Sa Tanong mo Sagot ko April 16, ay pitong tanong ang mabibigyang kasagutan mula sa ating mga miyembro na naglahad ng mga katanungan.

Macaangcos Camad Dayana

TANONG: Kung magbabago pa ba ang asawa niya? Mula kasi nang ikasal sila ay wala na itong inatupag kundi ang mga barkada. Minsan tuloy ay naiisip na niya itong hiwalayan.

SAGOT: Hindi mo nabanggit kung ilang taon na kayong nagsasama o bago pa lang. Pero dahil magkasunod lamang ang taon ng mga birthday nyo ay malinaw na malaki ang posibilidad na magbago siya pero hindi malaking pagbabago na inaasahan mo. Sa iyo magmumula ang kanyang pagbabago. Kailangan mo ipakita sa kanya ang halaga ng inyong pagsasama. Ipakita at iparamdam. May posibilidad na bahagya mo siyang mailayo sa barkada pero hindi lubusan. Kung meron kayong anak, siya ang magiging daan para magawa mong baguhin ang asawa mo.

 

Torio Cathy

TANONG: Kaarawan niya kahapon at ang tanong niya ay kung makakapag-abroad ba siya at ano ang kapalarang naghihintay sa kanya?

SAGOT: May tsansa sa iyo ang pag-aabroad pero may konting problema. Kung maaayos mo ito nang mas maaga ay makabubuti sa iyo.  Ang kapalaran mo ay nakaguhit na pero hangga’t naguguluhan ka at wala kang konkretong plano ay mananatili muna itong malabo.

 

Mvc Catienza

TANONG: Anong maganda para sa kanya ngayong taon?

SAGOT: Isang trabaho na hindi nangangailangan ng boss. Isang negosyo na kung pagtutuunan ng pansin ay iyong mapauunlad. Siguraduhin lamang na walang malas na nakapaligid sa’yo. 

 

Beth De Jesus

TANONG: Kung makakahanap pa ba siya ng magmamahal sa kanya, September 1, 1959 ang kanyang kaarawan.

SAGOT: May konting linaw akong nakikita Madam Beth. Pero hindi ito darating hangga’t hinihintay mo. Nasa malayong lugar siya at hinahatak siya ng ibang elemento palayo sa iyo. Ipagdasal mo ito sa Diyos para ang elemento ay maging positibo at kusa niyang ihatid sa iyo ang tao na nakatakdang magmahal sa’yo ng tunay.

 

Rachie Reyes

TANONG: Bakit siya pinagkakaisahan at pinag-uusapan ng mga nakapaligid sa kanya?

SAGOT: May mga dahilan, Rachie. May mga magagandang bagay sila na nakikita sa’yo na wala sa kanila. May pagkakataon naman na pinag-uusapan nila ang mga sablay na kilos mo. Pero huwag mo itong problemahin. Maging positibo ka lang dahil kung magpapaka-stress ka sa kanila, bad vibes ang lalapit sa’yo at iiwanan ka ng good vibes.

 

Chrishmel Santos

TANONG: Meron siyang chatmate na 1 year and 3 months na pero hindi pa sila nagkikita. Siya na nga ba ang magiging partner niya sa buhay?

SAGOT: Kailangan munang magkita kayo at malaman mo ang kanyang birthday, zodiac sign at mga interes. Maraming nagpapanggap sa online kaya kailangan yung totoong pagkakakilanlan niya ang malaman mo. Ang partner sa buhay ay isang seryosong bagay na nangangailangan ng masusing obserbasyon bago ang paghusga.

 

Nozaroc  Segun Adamero

TANONG: Ano ang mangyayari sa kanya ngayong 2018? Humina ang tindahan niya dahil nagbukas ng tindahan ang bagong lipat. Malas din siya sa lovelife, may darating pa kaya? Ang birthday niya ay January 4, 1964.

SAGOT: Huwag ka mawalan ng pag-asa. Ang negosyo ay nasa tamang diskarte lang. Kailangan nasa tamang posisyon ang tindahan mo. Yung nakaharap sa pagsikat ng araw hindi sa paglubog. Kailangan mo rin umisip ng bagong gimik para ikaw ang bilhan ng mga mamimili at hindi ang katabi mo, ‘wag ka lang maninira dahil malas ‘yon. Mainam din maglagay ng mga pampasuwerte sa loob at harap ng tindahan. Kung usaping pag-ibig naman, huwag ka ring mawawalan ng pag-asa. Sa istilo ng ating teknolohiya ngayon ay madaling makahanap ng mamahalin. Kailangan mo lang maging maingat sa pagpili dahil sa iyong edad ay hindi ka na dapat magkamali.

More Tanong mo Sagot ko

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More @nagmamatyag

More Tula

SHARE
Previous articleChinese Horoscope April 16
Next articleHumorscope April 16
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

5 COMMENTS

    • Hello besh Gogoli. Oo naman, hindi man grande ang suwerte na darating sa’yo ngayong taon ay siguradong malalampasan mo ang mga problema mo. Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo. Pray ka ha.

    • Wag kang mawalan ng pag-asa Besh Rachel. Hindi pa lang dumarating ang suwerte pero siguradong meron. Ang nasa ilalim ng animal zodiac na dog ay may strong sense of responsibilty. Think positive everyday and keep on praying.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here