Tanggalin ang iyong mga pangamba sa pamamagitan ng Snowflake Obsidian

0
64

Marami ang tumatawag sa batong ito na “bato ng kadalisayan”.

Inilalabas nito ang mga nakatagong imbalances sa ibabaw para mapakawalan. Ang Snowflake Obsidian ay batong malakas magbigay ng proteksyon, na lumilikha ng kalasag laban sa anumang negatibo. Nakatutulong ito sa iyong malaman at mapakawalan ang mga maling pag-iisip at mga nakapapagod na gawi ng isip. Ang itim na kulay ng batong ito ay nagpapalakas ng abilidad na maabot ang panloob na sarili.

Ang Snowflake Obsidian na ilalagay sa kama o sa ilalim ng unan ay makapagtatanggal ng mental stress at tension, maaaring magkaroon din ito ng pampakalmang epekto, subalit maaari din nitong ilabas ang mga dahilan kung bakit nababahala.

Ang Snowflake Obsidian ay ginagamit para sa mga benepisyong ito:
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ 
– Inilalabas ang mga bagay sa ibabaw
– Nagpapakalma at nagpapawi ng pagod 
– Nagbibigay liwanag sa isip  
– Nililinaw ang mga kalituhan
– Tumutulong na ihayag ang anumang negatibong isipin  
– Tinatanggap at nilulusaw ang galit, kritisismo, takot at katakawan
– Nagbibigay linaw sa kalituhan ng isip at nagdudulot ng pokus
– Nagpapaganda ng circulation 
– Pinagiginhawa ang pulikat sa kalamnan
– Nagbibigay benepisyo sa balat at mga ugat
– Pinapasigla ang muling paglago ng cells at balat
– Pinagagaling ang depresyon at migraines   
– Kinokonsidera itong magaling na batong pang-detoxify ng katawan


Ang obsidian stone ay sinasabing nakababawas ng iyong mga alalahanin, pangamba at pagkabahala sa pamamagitan ng pagkiskis ng bato sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo. Ilagay ito sa iyong tahanan o opisina upang gawing dalisay ang iyong kapaligiran mula sa mga negatibong impluwensya.



Quick Tip :
~ ~ ~ ~ ~ ~ 

Ang mga Gemstones ay maaaring gamitin para sa emosyonal at pisikal na pagpapagaling, gayundin sa pagpapalakas ng kapangyarihan ng isip. Isuot ang iyong mga bato, huwag silang itabi, dahil tatanggalan mo ang iyong katawan ng pambihirang kapangyarihan na taglay ng mga batong ito. Panatilihing malapit ito sa iyo.

Gayundin, tandaang linisin ito sa unang pagkakataon na magkaroon ka nito at sa bawat sandali na ginagamit ang bato sa pagpapagaling. Ang Obsidian ay napaka-epektibo sa paglusaw ng mga negatibong enerhiya, mahalagang linisin ang bato sa pamamagitan ng dumadaloy na tubig sa bawat paggamit nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here