Tambobong Festival 2018

    Tambobong festival 2018. “ The strength of a City lies on its people” ito ay ayon kay Mayor Antolin “Len len” Oreta ng Malabon City. Sa pagdiriwang ng ika 419th ng Malabon Foundation day  o Tambobong Festival ay ginanap ang search for Grandma Malabon at Mutya ng Malabon 2018. Kanya kanya ng pagpapasiklab ang mga lola ng Malabon sa kanilang pagrampa at pagpapakita ng talento. May mga nagsayaw ng makaluma at makabagong tugtugin, at meron ding ipinakita ang galing sa pag-awit. Isang patunay na sila ay may malaki pang maibabahagi sa lungsod kahit sila ay mga senior citizens na. Itinanghal bilang 4th Runner Up si Lola Margarita Bautista ng Brgy.Potrero, 3rd Runner Up si Lola Judetha D. Reyes ng Brgy. Panghulo, nakuha naman ni Lola Norma F. Bustamante ng Brgy.Tugatog ang 2nd Runner Up, at 1st Runner Up si Lola Zenaida M. Andaya ng Brgy. Ibaba. Napagwagian naman ni Lola Princess Soriano mula sa Brgy. Tanong ang titulo bilang Granda Malabon 2018. Hindi rin nagpatalo ang mga nagagandahang kadalagahan sa Malabon. Nagpatalbugan din sila sa kani-kanilang mga talento at ganun din sa question and answer portion. Isa sa mga mararangal na judges ang former actress at beauty queen na si Dindi Gallardo. 4th Runner Up si Pauline Bernadette Cruz ng Brgy.Niugan, 3rd Runner Up si Chrishelle Damasco ng Brgy Tanong, 2nd Runner Up si Kath Cayabyab ng Brgy.Longos, 1st Runner Up si Lhor Ang ng Brgy. Hulong Duhat habang si Ivory F.Calampinay  ng Brgy. Tonsuya ang itinanghal naman bilang  Mutya ng Malabon 2018.

    Grabe ang ipinakitang suporta ng bawat barangay sa kani-kanilang bet. Nakakabingi ang mga hiyawan sa simula pa lang hanggang sa pagwawakas ng nasabing kompetisyon. Isa sa mga nag-host si Mr. Jojo Alejar at suportado rin ni Brgy. Kapitana Angelika Dela Cruz ang kanilang pambato sa Granda Malabon at Mutya ng Malabon. Ganoon din ang iba pang mga kapitan at mga kagawad, sila ay nagpakita rin ng suporta sa kani-kanilang pambato ng mga barangay. Mabuhay ang mga Malabonian!

    More Dear Maria

    More K-Pop

    More Movie Reviews

    More Beauty and Health

    More Beauty Pageants

    More Commentary

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here