Tagumpay na Hindi Inaasahan

0
440

“Ikaw na ang tumupad sa pangarap namin ng mommy mo para sa’yo,” mga huling katagang narinig ni Luke bago pumanaw ang kanyang ama.

          Sadyang hindi biro ang pinagdaanan ni Luke sa kanyang murang edad. Pinaghiwalay ng isang napakalaking trahedya na naging dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama at pag-iwan sa kanya ng kanyang ina. Lumaking mag-isa si Luke. Nagtrabaho bilang “water boy” at paminsan-minsan ay nagtrabaho rin bilang “construction worker” habang nag-aaral. “Salamat sa Diyos at nakatapos din ako ng pag-aaral,” masayang sabi ni Luke.

          “Napakagaling naman niya. Isa siya sa pinakamagagaling na doktor dito sa ating bansa,” wika ng isang nars. Si Luke ay isang “heart surgeon” sa Philippine General Hospital at natulungan na niya ang napakaraming tao. Kalauna’y nakapagpatayo siya ng sariling ospital na pinangalanang St. Luke’s Medical Center. Sa kabila ng hirap na pinagdaanan ay nakamit niya ang kanyang mga pangarap dahil sa paggabay ng Poong Maykapal at bilang pasasalamat, nagbibigay siya ng donasyon sa “Home for the Aged.”

          Minsan na siyang naimbitahan upang makiisa sa ika-50 anibersaryo ng Home for the Aged. “Maraming salamat Dr. Luke! Isa kang napakabuting tao kaya naman ginabayan ka ng Panginoon upang makamit ang tagumpay!” wika ng mga matatandang inaalagaan ng ahensya. At nasaksihan nga niya kung gaano kasaya ang mga kabilang sa ahensya na para bang isang buong pamilya. Bago matapos ang selebrasyon, bilang pasasalamat ng Home for the Aged kay Dr. Luke, mayroon silang regalo para sa kanya na pinangunahan ni Joseph, ang presidente ng ahensya.

          “Magandang araw po sa lahat ng nandito. Sa mahabang panahon nating pagsasama ay kaagapay natin si Dr. Luke na walang sawang sumusuporta sa’tin. At ngayon ay inihahandog natin ang malaking regalo para sa kanya.” Inalalayan ng dalawang lalaki si Aling Jen papunta sa entablado.

          “Dr. Luke siya si Nanay Jen. Labinlimang taon mula noong siya’y ipinaubaya sa amin ng DSWD. Siya ay nabaliw dahil sa isang aksidente at nabalitaang pumanaw ang kanyang asawa dahil dito. “Luke, sorry. Andito na si mommy,” ‘yan ang palaging lumalabas sa bibig ni Nanay Jen habang nakayakap sa isang teddy bear.”

          Agad na lumapit si Luke sa kanyan   g ina. “Mi, akala ko iniwan mo na ko. Alam mo ba, napagtagumpayan ko ang ipinangako ko sa inyo ni daddy? Isa na akong marangal na doktor at para sa inyo ito,” lumuluhang sinabi ni Luke sa kanyang ina. Lubos ang pasasalamat ni Luke sa regalong natanggap niya mula sa Home for the Aged.

          At nakatulog na nga ang batang si Mark dahil sa malamig na boses ni Julia habang nagkukwento.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here