29.5 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Horoscope sa Tsino, Agosto 29. 2023

DAGA (RAT)

Ikagagaan ng loob mo ang magagandang salita na maririnig mo mula sa taong hindi mo inaasahan na kariringgan nito. Ang tingin mo kasi sa kanya ay kalaban kaya naman ikagugulat mo rin ang kanyang mga papuri.

Mauswerteng numero; 30,31,40,42

BAKA (OX)

Hindi masama ang umasa. Pero kung alam mo naman na malabo na itong mangyari ay kailangan mo ng bumitaw at mag-isip ng ibang option. Lalo na kung nakasalalay dito ang kasalukuyan at kinabukasan ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 5,15,20,24

TIGRE (TIGER)

Malaking bagay sa’yo ang mga komento ng iyong boss kaya naman sa simpleng papuri lang niya ay gaganda na ang buong maghapon mo at sisipagin ka na ng husto sa iyong trabaho. Ganyan kataas ang tingin mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 50,57,58,67

KUNEHO (RABBIT)

Madadala ka ngayon sa impluwensya ng iba kaya hindi mo maiiwasan na malagay ka sa alanganing sitwasyon. Ngayon mo mapapagtanto na hindi ka talaga dapat nagpasulsol dahil may sarili ka namang pag-iisip.

Masuwerteng numero; 16,20,21,36

DRAGON (DRAGON)

Mahalaga ang usaping matutuklasan mo ngayon tungkol sa isang kamag-anak. Alam mo na sa pagkakataong ito ay kakailanganin niya ang tulong mo at ng buong pamilya kaya hindi mo ito ipagkakait sa kanya.

Masuwerteng numero; 11,13,20,22

AHAS (SNAKE)

Mabibitin ka sa budget ngayon dahil sa pagdating ng isang bisita na nangangailangan ng tulong pinansiyal. Kahit hindi sapat ang iyong pera ay hindi mo pa rin siya magagawang tanggihan dahil hindi mo siya kayang tikisin.

Mauswerteng numero; 8,18,25,30

KABAYO (HORSE)

Makakaramdam ka ng sobrang stress sa araw na ito. Yung tipong gugustuhin mo na lang na matulog sa buong maghapon upang kahit pansamantala ay makalimutan mo ang iyong mga problema pero kahit matulog ay hindi mo magagawa.

Masuwerteng numero; 65,68,69,75

TUPA (SHEEP)

Sa kabila ng mga kinakaharap na problema ay may magandang mangyayari pa rin sa’yo ngayong araw. Ito ay ang pagtanggap mo ng biyayang hindi inaasahan mula sa isang tao na bago mo pa lang kilala at may mabuting puso.

Masuwerteng numero; 4,11,17,19

UNGGOY (MONKEY)

Ang pagpoproseso ng iyong dokumento ay mapapabilis ngayong araw dahil sa tulong ng isang kaibigan. Siya na mismo ang gagawa ng paraan upang agad mo itong makuha at mapakinabangan para hindi ka na mahirapan.

Masuwerteng numero; 10,15,20,28

TANDANG (ROOSTER)

Malayo pa ang tatakbuhin ng mga araw bago mo makamit ang pinakaaasam mong bagay. Marami ka pa kasing dapat unahin kaysa dito na mas higit na importante. Kakailanganin mo pang dagdagan ang iyong sipag at tiyaga.

Masuwerteng numero;16,34,39,50

ASO (DOG)

Iwasan mo ngayon ang pagsusugal at iba pang may kaugnayan dito dahil wala kang suwerte ni katiting sa araw na ito pagdating sa usaping pera. Kaya naman kung ano ang meron ka ngayon sa iyong bulsa ay itabi mo na lang o gastusin sa importante.

Masuwerteng numero; 78,79,80,81

BABOY (PIG)

May magagawa ka para pagaangin ang mabigat na kalooban ng isang kaibigan dahil sa personal niyang problema. Sa araw na ito ay maisasantabi mo muna ang iyong sariling mga alalahanin dahil sa pag-intindi mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 39,40,44,48

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.