30 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Chinese Horoscope Tagalog Hulyo 6, 2024

DAGA (RAT)

Huwag mo ng ipilit ang kagustuhan mo sa isang bagay dahil pagmumulan lamang ito ng hindi nyo pagkakaunawaan ng isang tao na malapit sa’yo. Kapag nasa kanya na ay hayaan mo na at ipaubaya na lang ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 31,33,40,45

BAKA (OX)

Wala kang mapagpipilian sa ngayon kundi sundin ang nais mangyari ng iyong kabiyak. Pagdating sa pagkukunan ng kabuhayan ay hayaan mo na sa kanya ang pagpapasya dahil sa aminin mo man o hindi ay mas may diskarte siya rito.

Masuwerteng numero; 11,13,24,25

TIGRE (TIGER)

Ingatan mo ang iyong lalamunan.Maaari kang magkaproblema rito. Upang makaiwas sa problemang may kinalaman dito, ngayon na ang tamang oras para iwasan mo ang sobrang tatamis na pagkain gayundin ang sobrang maaalat.

Masuwerteng numero; 13,26,27,30

KUNEHO (RABBIT)

Malakas ang loob mo ngayon na bumalik sa dati mong trabaho kahit pa alam mo na hindi lahat ng kasamahan mo rito ay kasundo mo. Ito ay dahil mas malakas na ang backer mo ngayon kaysa dati na wala kang kakampi.

Masuwerteng numero; 7,11,13,25

DRAGON (DRAGON)

Magpapabago-bago ang isip mo ngayon tungkol sa gagawin mong pagpapasya sa isang mahalagang usapin sa pamilya. Ito ay dahil sa iba’t-ibang opinyon na maririnig mo mula sa iba’t-iba ring tao na pawang malalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 40,49,50,52

AHAS (SNAKE)

Magiging madali lang para sa’yo ang makapagsara ng deal sa araw na ito dahil bukod sa taglay mo ang suwerte ngayong araw ay may hatid ding suwerte ang tao na makakatransaksyon mo ngayon. Pareho kayong positibo.

Masuwerteng numero; 6,16,26,34

KABAYO (HORSE)

Dahil sa sunod sunod na pagsama ng pakiramdam ay mapagtutuunan mo ngayon ng pansin kung paano mapapabuti ang iyong kalusugan. Susubukan mong ayusin ang iyong oras para sa tamang pagkain at ehersisyo.

Masuwerteng numero; 57,61,63,70

TUPA (SHEEP)

Malayo pa ang mararating ng iyong talento kung bibigyan mo ito ng oras na hubugin. Pero sa ngayon ay kailangan mo munang pag-aralan ang lahat ng detalye tungkol sa iyong talento upang ma-improve mo pa ito.

Masuwerteng numero; 40,50,61,62

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka mapapahiya sa taong mapipili mong lapitan. Siya talaga ang tao na naaakma mong hingan ng tulong dahil siya ang may kakayahan sa ngayon sa usaping financial. Siya lang din ang makakaintindi sa sitwasyon mo.

Masuwerteng numero; 8,9,10,15

TANDANG (ROOSTER)

Makakaramdam ka ng panghihinayang sa trabahong tinanggihan mo dahil makikita mo na ang tao na sumalo nito mula sa pag-ayaw mo ay may magandang posisyon na ngayon. Kahit papa’no mapapaisip ka na sana ay ikaw ‘yon.

Masuwerteng numero; 35,37,40,43

ASO (DOG)

Mawiwili ka sa isang bagong libangan na matutuklasan mo online. Kaya naman marami kang makakaligtaang gawin. Isa na rito ang mahalagang bilin sa’yo ng nakatatandang miyembro ng inyong pamilya.

Masuwerteng numero; 30,34,37,39

BABOY (PIG)

Hindi matutuloy ang plano mong pagbisita sa isang kaibigan dahil sa isang mahalagang okasyon na sa loob ng bahay nyo lang mismo magaganap. Mas pipiliin mo ito kaysa lumabas ng bahay para sa iyong kaibigan.

Masuwerteng numero; 3,5,16,17

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.