28.4 C
Manila
Thursday, July 18, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 29, 2024

DAGA (RAT)

May magandang balita kang matatanggap sa araw na ito na labis mong ikakatuwa. Halos hindi ka makakakain dahil sa kakaisip sa magandang balita na ito. Ang buong maghapon mo ay magiging napakaliwanag.

Masuwerteng numero; 4,5,8,9

BAKA (OX)

Mauunsyami ang balak mong pagbisita sa isang kaibigan dahil sa isang tawag. Gayunpaman, mangangako ka na lang sa kanya na babawi ka sa ibang araw at kahit anong mangyari ay tutuparin mo ito.

Masuwerteng numero; 14,15,20,28

TIGRE (TIGER)

Lalakas ang loob mo dahil sa suportang ibibigay sa’yo ng iyong mga kamag-anak. Alam nila na maganda ang intensyon mo kaya poprotektahan ka nila sa mga taong nagbabalak sirain ang maganda mong layunin.

Masuwerteng numero; 19,20,22,33

KUNEHO (RABBIT)

Isang tao ang hindi mo inaasahang makakapagpasaya sa’yo ng sobra sobra ngayong araw. May isang bagay na mahalaga sa’yo ang muli mong makikita dahil sa kanya kaya naman mag-uumapaw ang iyong pasasalamat.

Masuwerteng numero; 37,40,45,52

DRAGON (DRAGON)

Dahil sa kawalan mo ng tiwala sa iyong mga kasama sa bahay ngayon ay palagi kang mapaparanoid. Hindi ka magkakaroon ng kapanatagan dahil lagi kang may takot na baka may gawin silang hindi maganda sa’yo.

Masuwerteng numero; 2,3,13,14

AHAS (SNAKE)

Ang stress na ilang araw mo ng iniiwasan ay hindi mo na maiiwasan ngayon. Kahit anong gawin mo ay nakatakda mo itong harapin ngayong araw. Kung hindi mo pa ito masosolusyunan ngayon ay lalaki lang ito.

Masuwerteng numero; 24,30,31,45

KABAYO (HORSE)

Sa wakas ay magkakaroon ka na rin ng time sa bahay na makapag general cleaning. Matagal mo na itong binabalak gawin pero dahil sa kaabalahan sa trabaho ay palagi mong hindi nagagawa. Ngayon na ang tamang oras.

Masuwerteng numero; 15,20,25,30

TUPA (SHEEP)

Huwag kang matakot na harapin ang problema mo sa pera sa ngayon dahil pansamantala lang naman ito. Ang mga inaasahan mong pera na parating ay darating pa rin sa ibang araw kaya huwag masyadong ma-stress.

Masuwerteng numero; 24,42,44,67

UNGGOY (MONKEY)

Huwag ka munang uupo sa sugalan dahil hindi ito magandang araw para sa’yo. Lalo na kung ito ay patago lamang. May mga makakalaro kang mahuhusay magmaniobra kaya mas makakabuti kung iiwas na lang muna.

Masuwerteng numero; 50,60,65,75

TANDANG (ROOSTER)

Iwasan mo ang mga negatibong tao na makakasalamuha mo ngayon. Hangga’t maaari ay huwag makinig sa mga bagay na sasabihin nila na alam mo namang walang katotohanan. Kung papatulan mo ay madadamay ka lang.

Masuwerteng numero; 66,67,78,79

ASO (DOG)

Kailangan mo ng umpisahan na magtipid. Bukod sa okasyon na paghahandaan ay may paparating pang ibang gastusin. Kung hindi mo ito pagtutuunan ng pansin ay siguradong magdudulot ito ng stress sa’yo pagdating ng oras.

Masuwerteng numero; 26,37,39,41

BABOY (PIG)

Hangga’t maaari ay iwasan na makihalubilo sa karamihan ng tao na hindi mo naman kilala. Malaki ang posibilidad na ikaw ay malinlang sa araw na ito. Kaya sikapin na palagi kang mayroong kasama saan ka man magpunta.

Masuwerteng numero; 15,17,28,29

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.