30 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 28, 2024

DAGA (RAT)

Ikasasama mo ng loob ang hindi pag-imbita sa’yo ng isang inaakala mong kaibigan. Ngayong araw ay mapapatunayan mo kung nasaan lang ang lugar mo sa kanya. Wala ka namang magagawa kundi ang magdamdam.

Masuwerteng numero; 13,26,30,33

BAKA (OX)

Sa ikalawang pagkakataon ay muling mauudlot ang proyektong inaasahan mo ng mauumpisahan mo na ngayon kasama ang iyong team. Pero marami pang balakid ang magiging dahilan para muli itong mapurnada.

Masuwerteng numero; 35,40,45,51

TIGRE (TIGER)

Sa dami ng natutunan mo sa naranasang panmedic ay umaasa ka na mas magiging makabuluhan ngayon ang buhay mo at uumpisahan mo ito sa loob ng inyong pamilya. Tatalikuran mo na ang mga gawaing walang kwenta.

Masuwerteng numero; 7,20,22,36

KUNEHO (RABBIT)

Hindi man dumating ang inaasahan mong tao na makakatulong sa’yo ay itutuloy mo pa rin ang negosyong nais mo. Dahil dito ay mangangapa ka. Mahihirapan ka sa umpisa subalit matututunan mo rin ito pagtagal.

Masuwerteng numero; 51,52,66,67

DRAGON (DRAGON)

Isang kapitahay na dati mong kinakainisan ang makakasama mo ngayong araw sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Ang simple ninyong pagkukuwentuhan ang magbubukas ng pintuan para sa bagong pagkakaibigan.

Masuwerteng numero; 9,19,21,26

AHAS (SNAKE)

Makakaramdam ka ng sama ng katawan ngayong araw. Kaya ang balak mong pagpunta sa isang event ay hindi matutuloy, sa halip ay pipiliin mo na lang muna na ipahinga ang iyong katawan upang maibsan ang masamang pakiramdam.

Masuwerteng numero; 8,10,14,18

KABAYO (HORSE)

Wala kang balak sarilinin ang iyong problema dahil alam mong mahihirapan ka lang. Kaya naman pipili ka ng kaibigan na mapaghihingahan at mahihingan na rin ng payo tungkol dito nang sa gayon kahit papa’no ay magkaroon ka ng pag-asa.

Masuwerteng numero; 65,69,70,71

TUPA (SHEEP)

Maganda ang record mo sa trabaho kaya ang pagkakamaling magagawa mo ngayon ay hindi gaanong makakaapekto sa iyong performance. Pero huwag ka pa ring magpakampante dahil maraming naiinggit sa’yo.

Masuwerteng numero; 11,15,20,30

UNGGOY (MONKEY)

Iwasan ang magpadala sa emosyon dahil wala itong buting maidudulot sa’yo. Mas makakabuti kung didistansya na lang muna sa mga tao na nagbibigay ng stress sa’yo at pag-isipan muna ang gagawin bago magbitaw ng desisyon.

Masuwerteng numero; 3,4,5,7

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang masasabi sa pakikisamang ipapakita sa’yo ng isang tao na sinisiraan sa’yo ng iba kaya pipiliin mo na lang na manahimik at ipagpatuloy ang pakikipagcommunicate sa kanya kaysa makinig sa mga mapanira.

Masuwerteng numero; 12,21,31,41

ASO (DOG)

Hindi mo matitiis ang isang miyembro ng inyong pamilya. Kahit pa labis niyang pinasama ang loob mo at ginawan ka ng hindi mabuti, sa paglapit niya sa’yo ngayon ay muli mo siyang patatawarin at bibigyan ng isa pang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 59,63,64,76

BABOY (PIG)

Masisira ang plano mo sa iyong pera dahil sa hindi inaasahang pagdating ng iba pang bayarin. Pero huwag masyadong mag-alala dahil hindi mo lang naman ito papasanin na mag-isa. May tutulong sa’yo para masolusyunan ito.

Masuwerteng numero; 30,34,47,50

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.