31.6 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 27, 2024

DAGA (RAT)

Wala kang masyadong magiging ganap ngayong araw maliban sa mga gawaing bahay na dati mo ng nakasanayan. Isang tawag ang matatanggap mula sa isang dating kaibigan na magpapaliwanag ng araw mo.

Masuwerteng numero; 5,16,20,23

BAKA (OX)

Kahit puno ka ng pag-aalinlangan ay susubukan mo pa rin na aplayan ang trabahong inaasam mo. Bagamat gustong gusto mo ito ay alam mo na kulang ka pa sa kakayahan lalo na sa karanasan para pasukin ito.

Masuwerteng numero; 30,31,40,41

TIGRE (TIGER)

Hindi mo maiiwasan na hindi pagdudahan ang isang miyembro ng inyong pamilya na pinagkakatiwalaan mo sa pera. Ilang beses na kasing hindi tumutugma ang kwenta mo sa kwenta niya kaya naman napapaisip ka.

Masuwerteng numero; 14,16,19,22

KUNEHO (RABBIT)

Hindi pa mangyayari sa ngayon ang kinakatakutan mo na mangyari sa iyong anak. Subalit hangga’t maaga ay sikapin mo nang maakay mo siya sa ibang landas kung ayaw mo na ang kinatatakutan mo ay maganap.

Masuwerteng numero; 33,36,40,49

DRAGON (DRAGON)

Lalo kang gaganahan ngayon sa pagkain dahil ganado rin ang tagaluto nyo sa bahay na hainan ka ng masasarap na pagkaing magugustuhan mo. Ayaw niya na mapintasan mo kaya naman pagbubutihin niya ang pagluluto.

Masuwerteng numero; 3,13,15,17

AHAS (SNAKE)

Hindi mo magagawang itama ang pagkakamali ng isang tao sa pamamagitang ng isa pang pagkakamali. Lalabas lamang na kinukunsinti mo siya. Mas makakabuti kung hahayaan mo siyang iresolba ang sarili niyang problema sa maayos na paraan.

Masuwerteng numero; 26,28,40,45

KABAYO (HORSE)

Kahit na anong gawin mo ay hindi mo na maibabalik pa ang nakaraang suwerte na lumampas na. Mas makakabuti kung magpopokus ka na lang sa kasalukuyan at pag-isipan ang maaari mong pagkakitaan sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 11,17,20,30

TUPA (SHEEP)

Dahil sa mangyayaring kamalian ngayon sa buhay mo ay maghahanap ka ng masisisi. Mapagbabalingan mo ang mga tao na wala namang kinalaman sa problema mo. Kaya sa halip na maresolba ang problema ay madaragdagan pa ito.

Masuwerteng numero; 50,60,61,73

UNGGOY (MONKEY)

Dahil sa malaking utang na loob ay hindi mo matatanggihan ang hihilinging pabor sa’yo ng isang kaibigan na nasa malayo na ngayon. May kahirapan ang kanyang kahilingan pero no choice ka kundi pagbigyan ito.

Masuwerteng numero; 6,8,9,10

TANDANG ROOSTER)

Ngayon mo na makakamit ang biyayang ilang buwan mo na ring hinihintay. Kaya naman ang araw na ito ay magiging napakaaliwalas para sa’yo. Isasantabi mo muna ang mga stress dahil ayaw mong masira ang kasiyahan mo.

Masuwerteng numero; 9,19,21,24

ASO (DOG)

Isang bagay na matagal ng nawawala ang matatagpuan mo sa araw na ito. Mahalaga ang bagay na ito para sa’yo kaya naman labis mong ikatutuwa ang pagkakatagpo mo rito. Dahil dito ay matutupad na rin ang matagal mo ng plano.

Masuwerteng numero; 52,53,68,69

BABOY (PIG)

Dumating na ang takdang araw na pansamantala mo munang iiwan ang negosyong minahal mo dahil sa ilang problemang kinakaharap mo ngayon. Kailangan mo muna itong masolusyunan bago ka makapg-umpisa ulit.

Masuwerteng numero; 56,70,74,78

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.