30 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 26, 2024

DAGA (RAT)

May suwerteng lalapit sa’yo ngayong araw. It’s either pera o tao na may dalang swerte sa ibang bagay. Kaya ang maghapong ito ay magiging kaabang-abang para sa’yo. Panatilihin ang pagiging positibong tao sa lahat ng oras.

Masuwerteng numero; 36,46,47,50

BAKA (OX)

Makakaramdam ka ng panghihinawa sa iyong trabaho. Matagal ka na sa trabaho mo at sa loob ng ilang taon mo rito ay hindi nababago ang posisyon mo kaya naman hindi mo maiwasan na magsawa sa everyday routine mo rito.

Masuwerteng numero; 8,19,20,21

TIGRE (TIGER)

Malaki ang pagbabagong magaganap sa inyong pamilya ngayong araw dahil sa pagdating ng bagong miyembro. Siya ang magbibigay ng pag-asa sa inyo at magiging dahilan ng muling pagkakalapit ng bawat isa sa inyo.

Masuwerteng numero; 35,41,43,60

KUNEHO (RABBIT)

Mahaharap ka sa isang aksidente. Hindi ka naman gaanong masasaktan subalit kailangan mong kontrolin ang iyong galit. Kung magpapadala ka sa emosyon ay ikaw din ang labis na maaapektuhan sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 13,15,23,25

DRAGON (DRAGON)

Magiging malapit ulit kayo sa isa’t-isa ng isang dating kaibigan na nakatampuhan. Isang kaganapan sa araw na ito ang magiging dahilan ng muli ninyong pagkakalapit at mula ngayon ay hindi na mauulit ang inyong hindi pagkakaunawaan.

Masuwerteng numero; 8,18,22,24

AHAS (SNAKE)

Malilito ka sa dami ng trabahong itatambak sa’yo ng iyong bagong boss. Dahil dito ay maraming bagay kang makakaligtaan at isa rito ay napakahalaga. Kaya naman sa buong maghapon ay wala kang ibang mararamdaman kundi stress.

Masuwerteng numero; 5,6,16,18

KABAYO (HORSE)

Marami kang gustong gawin ngayong araw subalit isa man dito ay hindi mo magagawa. Wala kang matatapos kahit na madaling gawain lamang dahil babagsakan ka ng katamaran. Maghapon kang hihilata.

Masuwerteng numero; 33,35,40,42

TUPA (SHEEP)

Mapupuno ka ng kaba dahil sa pagdating ng isang hindi inaasahang tao. Marami siyang alam sa sikreto mo na matagal mong pinakaiingat-ingatan at hindi ka sigurado kung ano ang plano niya sa kanyang pagbabalik.

Masuwerteng numero; 10,11,14,17

UNGGOY (MONKEY)

Isang bagong kaibigan ang magkakaroon ng malaking parte ngayon sa buhay mo. Simula sa araw na ito ay magiging malapit kayo sa isa’t-isa. Marami siyang maitutulong sa’yo lalo na sa karerang tinatahak mo ngayon.

Masuwerteng numero; 25,30,34,40

TANDANG (ROOSTER)

Maboboring ka sa araw na ito dahil maiiwanan kang mag-isa sa bahay. Hindi ka sanay na mag-isa kaya wala kang maiisip gawin kundi mag-internet. Bukod dito ay wala ka ng iba pang magagawa kaya nanaisin mo na matapos na ang araw na ito.

Masuwerteng numero; 55,56,64,69

ASO (DOG)

Ang buong atensyon mo at panahon ngayon ay nakatutok sa isang proyekto na hinahawakan mo. Kailangan mo itong matapos sa lalong madaling panahon upang maging pera nang sa gayon ay makabayad ka na sa mga bayarin.

Masuwerteng numero; 6,11,12,27

BABOY (PIG)

Ikakagulat mo ang pagkatok sa pintuan mo ng isang tao na may matagal ng utang sa’yo. Labis mong ikakatuwa ang kanyang pagdating dahil sakto sa kanyang pagbabayad ang pangangailangan mo rito dahil sa iyong mga bills.

Masuwerteng numero; 40,60,71,72

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.