29.5 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 23, 2024

DAGA (RAT)

May mga bago kang makikilala sa araw na ito na magiging kaibigan mo pagdating ng araw. Marami kayong magiging pagkakatulad kaya naman kakagaanan mo sila ng loob. Ngayon pa lang ay magiging interesado ka na sa kanila.

Masuwerteng numero; 11,12,20,30

BAKA (OX)

Hindi mo mapapaniwalaan ang magiging kaganapan sa buhay mo ngayong araw. Dahil ang pinakaaasam-asam mong mangyari ay magkakaroon na rin ng katuparan sa ngayon. Kaya naman maiiyak ka sa sobrang tuwa.

Masuwerteng numero; 25,30,34,35

TIGRE (TIGER)

Ikaw ang magdedesisyon ngayon kung ano ang gagawin mong solusyon para sa kinakaharap  ninyong problema ngayon sa pamilya. Iwasan mo ang makinig sa tao na wala namang kinalaman o koneksyon sa inyo.

Masuwerteng numero; 7,11,13,24

KUNEHO (RABBIT)

Mas madali mong maiintindihan ang mensaheng nais ipahiwatig sa’yo ng isang malapit na kamag-anak kung bibigyan mo ang sarili ng panahon na intindihin siya. Pero kung lagi kang subsob sa trabaho ay hindi mo talaga siya mauunawaan.

Masuwerteng numero; 8,19,35,36

DRAGON (DRAGON)

Malakas ang magiging impluwensya sa’yo ng isang dating kaibigan. Sa muli ninyong pagkikita ay marami kayong mauungkat sa nakaraan at sa kanyang mga pinagdaanan ay mapapahanga ka kaya nanaisin mo siyang tularan.

Masuwerteng numero; 15,16,20,22

AHAS (SNAKE)

Magiging maayos na ang lahat sa pagitan nyo ng iyong kapatid dahil mapipilitan ng makialam ang inyong mga magulang. Hindi nila matitiis na makita kayong nagkakaganyan kaya sila na mismo ang gagawa ng paraan para kayo ay magkasundo.

Masuwerteng numero; 7,19,34,45

KABAYO (HORSE)

May bagong online business kang papasukin. Ngayong araw mo ito matutuklasan at magiging interesado ka rito. Hihingin mo ang tulong ng isang kaibigan para sa mga detalye na kakailanganin mo para masimulan ito.

Masuwerteng numero; 51,52,66,67

TUPA (SHEEP)

Malalagay ka ngayon sa alanganin dahil sa padalos dalos mong desisyon. Mas makakabuti kung matututo ka ring makinig sa iba. May mga payo sila na kailangan mong sundin kung nais mo na ikaw ay mapabuti.

Masuwerteng numero; 69,70,75,87

UNGGOY (MONKEY)

Kahit na ano pa ang gawin ng mga taong naiinggit sa’yo, kahit ano pa ang marinig mo mula sa kanila ay mananatili kang hindi apektado. Dumating ka na sa point ng buhay mo na ayaw mo na ng masyadong stress.

Masuwerteng numero; 27,28,34,36

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo masyadong maeenjoy ang araw na ito dahil sa pagdating ng isang asungot sa buhay mo. Hindi mo rin naman masagot sa sarili mo kung bakit mabigat ang loob mo sa kanya gayong wala naman siyang ginagawang masama sa’yo.

Masuwerteng numero; 25,36,37,44

ASO (DOG)

Kahit maging mailap pa ang swerte sa ngayon ay mananatili ka pa ring positibo. Ayaw mong istressin ang sarili mo. sa halip ay maghahanap ka pa ng way kung saan mo maaaring matagpuan ang suwerte na hinahanap mo.

Masuwerteng numero; 15,20,35,40

BABOY (PIG)

Magkakaroon ng komprontasyon sa pagitan  nyo ng isang tao na mas mataas ang posisyon sa trabaho kaysa sa’yo. Hindi mo magagawang kontrolin ang iyong sarili dahil ayaw mo sa lahat ang napapagbintangan ka sa kasalanang hindi mo ginawa.

Masuwerteng numero; 1,3,5,7

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.