29.5 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 22, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo maiaalis sa isang miyembro ng pamilya na magdamdam sa’yo ngayong araw na ito dahil makakaligtaan mo ang ipinangako mo sa kanya.Kahit hindi mo ito sinasadyang makalimutan ay magdaramdam pa rin siya.

Masuwerteng numero; 6,11,13,17

BAKA (OX)

May malaking bagay kang maiaambag sa inyong komunidad ngayong araw at marami ang magpapasalamat sa’yo dahil dito. Ipagpatuloy mo lang ang pagkakawanggawa at ikaw ay patuloy ding pagpapalain ng Diyos.

Masuwerteng numero; 30,34,45,46

TIGRE (TIGER)

Hindi ka madedehado ngayon sa laban. Lalo pa at marami ang nakapanig sa’yo. Isipin mo na lang na ginagawa mo ito para sa lahat ng taong nagmamahal at naniniwala sa’yo. Sila ang magiging lakas mo kaya huwag mabahala.

Masuwerteng numero; 8,19,22,25

KUNEHO (RABBIT)

Ikasasama mo ng loob ang hindi pagsunod sa kagustuhan mo ng tao na pinagkakatiwalaan mo. Para sa’yo ito ay isang pagtatraydor kaya naman mula ngayon ay magdadalawang isip ka na muli siyang pagkatiwalaan.

Masuwerteng numero; 11,12,33,36

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo ikayayaman ang konting barya. Iyan ang sinusunod mo sa iyong negosyo dahil ayaw mong manlamang sa kapwa. Bagay na kontra sa paniniwala ng iyong kasosyo dahil mahalaga sa kanya ang kahit  na isang sentimo.

Masuwerteng numero; 10,20,21,28

AHAS (SNAKE)

Hindi ka mabibitin sa kuwentuhan nyo ng iyong bisita dahil ito lang talaga ang gagawin nyo sa buong maghapon. Matagal kayong hindi nagkita kaya naman susulitin nyo ang araw na ito at marami kayong mapagkukuwentuhan.

Masuwerteng numero; 8,39,43,45

KABAYO (HORSE)

Hindi ka dapat mag-alala sa isang kaibigan. Nasa’yo pa rin ang kanyang tiwala at sa’yo pa rin siya papanig kahit may gusot ngayon sa pagitan nyo ng isa nyo pang itinuturing na kaibigan. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob.

Masuwerteng numero; 7,9,19,20

TUPA (SHEEP)

Malakas ang iyong paniniwala na positibo ang magiging resulta sa inaaplayang trabaho. Kaya naman ito ang mangyayari. Magdiriwang ka ngayong araw dahil sa wakas ay masusungkit mo na rin ang trabahong ito.

Masuwerteng numero; 16,27,28,34

UNGGOY (MONKEY)

Natuto ka na sa nakaraan kaya naman sa pagkakataong ito ay hindi ka na magpapadalos-dalos. Pakakaisipin mo munang mabuti ang mga gagawin mong hakbang bago ka magbitaw ng final na desisyon.

Masuwerteng numero; 15,16,24,25

TANDANG (ROOSTER)

Hindi magiging balakid sa’yo ang iyong nakaraan para sa pagbabagong nais mo ngayon sa iyong buhay. Huwag nang maghintay pa ng magandang araw, ngayon na ang tamang pagkakataon para simulan ang pagbabago.

Masuwerteng numero; 18,21,22,33

ASO (DOG)

May magandang bagay kang matututunan mula sa tao na kinaiinisan mo. Hindi mo aakalain na sa lahat ng tao ay sa kanya ka pa makakapulot ng aral na gugustuhin mong dalhin kahit saan ka man magpunta kaya hindi mo siya makakalimutan.

Masuwerteng numero; 13,25,26,30

BABOY (PIG)

Wala kang mapapala kung ikaw ay palaging tutunganga. Mas makakabuti para sa’yo kung tatanggapin mo na lang ang oportunidad na dumating dahil ito na mismo ang kumatok sa pintuan mo. Ibig sabihin ay para sa’yo talaga ito.

Masuwerteng numero; 2,13,24,39

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.