31.6 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 20, 2024

DAGA (RAT)

Ikaiirita mo ang mga magiging kaganapan ngayong araw sa loob mismo ng inyong tahanan. Kung tutuusin ay mababaw lang naman ang dahilan pero sadyang wala ka lang talaga sa mood sa maghapong lilipas.

Masuwerteng numero; 10,11,25,39

BAKA (OX)

Isang bagong kapitbahay ang magiging kaibigan dahil sa makikita mong mga similarities nyo. Pero kahit na magaan ang loob mo sa kanya ay magiging maingat ka pa rin dahil ayaw mo ng maulit ang di magandang karanasan sa kapitbahay.

Masuwerteng numero; 33,34,40,45

TIGRE (TIGER)

Hindi magiging sagabal sa’yo ang mga bagay na inaalala mo. Sa halip ay magiging way pa ito para lalo kang maging masigasig na ipagpatuloy ang magaganda mong plano para sa iyong pamilya at malalapit na kamag-anakan.

Masuwerteng numero; 9,13,14,20

KUNEHO (RABBIT)

Mag-ingat sa iyong paglabas labas dahil malapit ka ngayon sa disgrasya. Malaki ang posibilidad na ikaw ay maharap sa isang aksidente kung ipagwawalang bahala ang mga signs sa daan. Maging maingat sa lahat ng oras.

Masuwerteng numero; 8,12,27,28

DRAGON (DRAGON)

May posibilidad na maloko ng hindi kilalang tao ngayong araw. Mag-ingat sa mga makakatransaksyon. Huwag agad maniwala sa matatamis na salita at iwasan na maglabas agad ng pera nang walang kasiguraduhan.

Masuwerteng numero; 35,36,54,57

AHAS (SNAKE)

Kahit na gusto mong ikaw ang masunod sa isang proyekto ay hindi ito mangyayari. Dapat mong igalang ang posisyon ng iba kung ayaw mo na makaapekto ito sa promosyon sa trabaho na matagal mo ng hinihintay.

Masuwerteng numero; 17,19,20,23

KABAYO (HORSE)

Hindi magiging kawalan sa’yo ang trabahong iiwan. Dahil hindi ka naman nagiging produktibo rito. Hayaan mo ang sarili na mag-explore sa ibang trabaho na mas makakatulong sa’yo na mag grow bilang isang empleyado at bilang isang tao.

Masuwerteng numero; 30,40,43,45

TUPA (SHEEP)

Ikaw ang magdedesisyon kung ano ang dapat mong gawin sa iyong problema. Hindi ito makakayang solusyunan ng iba kung wala ang permisyon mo. Kaya naman sa araw na ito ay pag-iisipan mo itong mabuti.

Masuwerteng numero; 5,7,18,19

UNGGOY (MONKEY)

Mahihirapan ka sa isang bagay at makukurta ang utak mo sa pag-iisip kung paano ang iyong gagawin. Sa gitna nito ay hindi ka susuko, gagawin mo pa rin ang iyong makakaya at hindi ka bibitaw sa pag-asang tutulungan ka ng Diyos.

Masuwerteng numero; 20,30,40,50

TANDANG (ROOSTER)

Magiging magaan ang araw na ito para sa’yo dahil sa mga taong nakapaligid sa’yo. Halos lahat sila ay may positibong pananaw kaya hindi kataka-taka na maimpluwensyahan ka nila at maging positibo ka rin maging sa mga araw pang darating.

Masuwerteng numero; 11,12,17,23

ASO (DOG)

Ikaw ang magsisilbing inspirasyon sa isang tao na bago mo pa lang makikilala. Marami siyang makikitang katangian sa’yo na hahangaan niya at gugustuhin  niyang tularan. Kaya naman sisikapin niya na magkalapit kayo.

Masuwerteng numero; 7,12,13,15

BABOY (PIG)

Madadala ka sa pagbibigay ng tulong sa mga taong hindi mo gaanong kilala dahil sa panghuhusgang matatanggap mo mula sa kanila. Sa halip na pasalamatan ka na lang ay kukuwestyunin pa ang pinanggagalingan ng iyong itinutulong.

Masuwerteng numero; 2,3,14,15

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.