31.6 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 19, 2024

DAGA (RAT)

Ang buong araw mo ngayon ay magugugol sa pagluluto. Ito ang bago mong kalilibangan ngayon bukod sa iyong trabaho. Kaya naman maiisip mo rin na ang interes mo rito ay maaari mo ring pagkakitaan sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 14,20,22,24

BAKA (OX)

Hindi magiging maganda ang takbo ng negosyo mo sa ngayon. May kaalatan ang pagpasok ng customer. Gayunpaman, bago matapos ang araw ay makakatanggap ka ng magandang balita mula sa malayong lugar.

Masuwerteng numero; 56,67,68,71

TIGRE (TIGER)

Iwasan mo muna ang pagpunta sa mga mataong lugar sa kabila ng mahigpit pa ring pagbabantay. Malaki ang posibilidad na makakuha ka ng sakit dahil sa ngayon ay mahina ang iyong resistensya. Kaya piliing manatili sa bahay.

Masuwerteng numero; 13,15,20,25

KUNEHO (RABBIT)

Kahit pa maganda ang dalang pangako ng oportunidad na kakatok ngayon sa’yong career ay hindi mo ito tatanggapin. Nadala ka na sa mga pangakong hindi naman natutupad kaya ayaw mo na ulit subukan para lang mabigo ulit.

Masuwerteng numero; 8,18,19,32

DRAGON (DRAGON)

Sa araw na ito ay magiging masaya ka at komportable dahil sa wakas ay mabubuo na rin ang iyong pamilya. Bihira lamang kayo magkasama-sama kaya’t sasamantalahin mo ang minsanang pagkakataon na ito.

Masuwerteng numero; 9,11,12,16

AHAS (SNAKE)

Meron kang mahalagang lakad ngayong araw na hindi matutuloy dahil sa isang biglaang tawag. Dahil dito ay wala kang pagpipilian kundi manatili na lang muna ulit sa bahay at hintayin ang araw na pwede na itong matuloy.

Masuwerteng numero; 33,35,36,38

KABAYO (HORSE)

Hindi papasa sa iyo ang alibi ng iyong kaibigan sa hindi niya pagdating at pagsunod sa inyong napag-usapan. Kaya naman hindi mo maiiwasan na hindi magdamdam. Mararamdaman niya ito kaya siya na mismo ang didistansya.

Masuwerteng numero; 2,5,6,8

TUPA (SHEEP)

Alam mo na hindi sasapat ang iyong kita para sa lahat ng gastusin at pangangailangan ng iyong pamilya kaya maghahanap ka pa ng ibang mapagkakakitaan. Sa ngayon ay meron kang makikitang part time na swak sa’yo.

Masuwerteng numero; 45,47,50,52

UNGGOY (MONKEY)

Kahit na magreklamo ka ay alam mo na wala ring mangyayari. Kaya sa halip na magreklamo ay ipagkikibit balikat mo na lang muna ang iyong mga hinaing at maghihintay ng tamang pagkakataon para makabwelo.

Masuwerteng numero; 50,55,54,66

TANDANG (ROOSTER)

Mawawalan ka ng tiwala sa isang kamag-anak dahil isang balita ang makakaabot sa’yo na sa kanya nagmula ang hindi makatotohang usap tungkol sa’yo. Dahil dito ay nahusgahan ka ng ibang tao kaya ikakasama mo ito ng loob.

Masuwerteng  numero; 9,12,14,17

ASO (DOG)

Ipagpapasalamat mo ng todo sa Diyos ang biyayang matatanggap mo ngayong araw. Ngayon ka lamang makakatanggap ng ganito kalaking biyaya kaya sobra mo itong ikatutuwa at sa tuwa mo ay ibabahagi mo pa ito sa iba.

Masuwerteng numero; 14,18,24,25

BABOY (PIG)

Isang paghamon ang tatanggapin mo ngayong araw at ito ay may kinalaman sa iyong bagong trabaho. Mapipilitan kang tanggapin ito alang-alang sa iyong pamilya at para na rin sa ikatataas ng iyong posisyon sa trabaho.

Masuwerteng numero; 31,34,40,50

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.