31.6 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 18, 2024

DAGA (RAT)

Magiging mabilis ang mga pangyayari ngayong araw na ito. Hindi mo halos mamamalayan ang pagdaan ng oras dahil sa dami ng iyong gawain na kakaharapin. Hindi rin maiiwasan ang mga pagkakamali at hindi pagkakaunawaan sa pagitan nyo ng kasama mo.

Masuwerteng numero; 15,30,35,39

BAKA (OX)

May maaalala kang bagay na kailangan mong dalhin sa isang tao. Dapat ay noong isang araw mo pa ito dinala pero ngayon mo lang ito maaalala kaya naman magmamadali ka at sisikapin na maihatid ito agad sa dapat hatiran bago matapos ang araw.

Masuwerteng numero; 11,13,20,21

TIGRE (TIGER)

Mabibitin ka sa magiging usapan nyo ng isang kaibigan. Dahil matagal kayong hindi nagkita kaya naman marami kayong kuwentong laan para sa isa’t-isa. Maraming topic ang inyong mabubuksan at sa dami nito ay hindi sasapat ang maghapon.

Masuwerteng numero; 8,19,22,24

KUNEHO (RABBIT)

Ang bawat segundong lilipas ay magiging mahalaga para sa’yo at sa iyong pamilya dahil isa sa inyong  kamag-anak ang nasa peligro. Sa sitwasyon na kakaharapin nyo ay kakailanganin nyo ang tatag at lakas ng loob ng bawat isa.

Masuwerteng numero; 45,46,50,51

DRAGON (DRAGON)

Ipagpapasalamat mo ang pagdating ng tulong mula sa isang kamag-anak na nasa ibang bansa. Hahangaan mo ang kanyang pagiging bukas palad dahil sa kabila ng hindi rin magandang kalagayan niya roon ay nagagawa pa niyang tumulong sa inyo.

Masuwerteng numero; 3,4,15,16

AHAS (SNAKE)

Hindi na magtatagal ang paghihirap na nararanasan mo ngayon dahil malapit ka ng makauwi sa iyong pamilya. Sa araw na ito ay paghahandaan mo na ang iyong pag-uwi. Kaya naman ngayon pa lang ay mae-excite ka na.

Masuwerteng numero; 35,36,40,43

KABAYO (HORSE)

May maganda kang oportunity na tatanggapin ngayong araw. Biglaan lang ito at hindi mo na pinag-isipan. Pero kahit ano pa man ang kalabasan ay mananatili kang positibo rito at kahit mabigo ay susubukan mo ulit.

Masuwerteng numero; 25,26,30,32

TUPA (SHEEP)

Pagbibigyan mo ang kahilingan ng isang tao hindi dahil sa gusto mo talaga siyang pagbigyan kundi alang-alang lang sa isang malapit na kamag-anak na humingi ng pabor na ito para sa kanya. Panalangin mo lang na sana ay tama ang iyong desisyon.

Masuwerteng numero; 20,27,48,49

UNGGOY (MONKEY)

Buksan mo ang iyong mga mata at teynga lalo na ang iyong puso sa totoong kaganapan sa paligid. Malaki ang posibilidad na ikaw ay malinlang at mapasunod ng mga tao na may paniniwalang hindi matuwid.

Masuwerteng numero; 17,19,20,24

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo magagawang alibi ang kawalan mo ng trabaho sa tao na darating ngayon para singilin ka, dahil wala pa mang pandemic ay palagi mo na siyang iniiwasan. Ngayon ay mahihirapan ka ng iwasan siya dahil mahigpit ang pangangailangan niya.

Masuwerteng numero; 56,62,63,69

ASO (DOG)

May bago kang pagkakainteresan sa internet na sa iyong palagay ay mapagkakakitaan mo. Pero marami ka pang kailangan na alamin tungkol dito at marami ka ring gamit na kailangang bilhin bago mo ito masimulan.

Masuwerteng numero; 23,24,25,33

BABOY (PIG)

Sa wakas ay mapapanatag na rin ang iyong kalooban tungkol sa problemang kinakaharap ng iyong anak. Malalaman mo ngayong araw na meron na silang solusyon dito ng pamilya niya kaya naman makakahinga ka na rin ng maluwag.

Masuwerteng numero; 5,6,16,17

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.