31.6 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 17, 2024

DAGA (RAT)

Hindi lahat ng tao ay mapapasunod mo sa kagustuhan mo. Ngayong araw ay mismong malapit pa sa’yo ang kokontra sa mga plano mo. Ipamumukha niya sa’yo na mas magiging epektibo ang suhestiyon ng iba kaysa sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,17,20,30

BAKA (OX)

Dahil sa dami ng pagbabago sa buhay na kinakaharap mo ngayon ay hindi ka agad masasanay dito. Mahihirapan kang makisabay sa agos pero wala ka namang mapagpipilian kundi ang sumunod sa nakararami.

Masuwerteng numero; 28,38,40,41

TIGRE (TIGER)

Hindi mo maiiwasan na hindi sumama ang loob sa isang miyembro ng pamilya dahil sa tingin mo ay lalampasan niya ang iyong karapatan sa bahay. Kaya ngayong araw ay ipaparamdam mo sa kanya ang iyong hinanakit.

Masuwerteng numero; 35,46,47,49

KUNEHO (RABBIT)

May bago kang pagkakaabalahan ngayon sa online. Sa tingin mo ay mapagkakakitaan mo ito sa hinaharap kaya naman ngayon pa lang ay kakaririn mo na ang bawat detalye na kakailanganin mo para rito.

Masuwerteng numero; 10,13,26,27

DRAGON (DRAGON)

Ikaw ang tipo ng tao na mahilig tumanggap ng hamon. Kahit hindi mo pa ito alam at wala kang kasiguruhan ay sugod ka lang ng sugod. Dahil para sa’yo, mga karanasan ito na dapat mong kolektahin para mas higit na maging matatag.

Masuwerteng numero; 15,20,25,39

AHAS (SNAKE)

Kahit pa maging mahirap sa’yo ay sasabak ka pa rin sa trabaho dahil marami kang isinasaalang-alang. Bukod sa pangangailangan ng iyong pamilya ay marami ka ring pagkakautang na dapat mo ng bayaran asap.

Masuwerteng numero; 1,2,4,6

KABAYO (HORSE)

Sasakit ang ulo mo sa iyong mga bills kaya naman maghahanap ka sa social media ng makakatanggal sa stress mo. Hindi ka mabibigo, dahil hindi lang stress reliever ang matatagpuan mo kundi maaari mo rin itong pagkakitaan.

Masuwerteng numero; 56,67,69,74

TUPA (SHEEP)

Unti-unti mo ng sasanayin ang sarili mo sa bagong buhay na kakaharapin mo sa piling ng iyong mga biyenan. Maghahanap ka ng paraan upang maging madali ang pakikisama sa kanila alang-alang sa iyong asawa.

Masuwerteng numero; 9,19,32,34

UNGGOY (MONKEY)

Work, work,work pa rin ang magiging malaking bahagi ng iyong daily routine. Kahit hirap at pagod ka na ay alam mo na hindi ka pwedeng tumigil. Sasamantalahin mo ang pagkakataon sa trabaho na ipinagkait sa iba.

Masuwerteng numero; 11,14,16,18

TANDANG (ROOSTER)

Magiging proud ka sa iyong mga anak dahil sa ipapamalas nilang kabutihan sa ibang tao. Ipagmamalaki mo sila at i-e-encourage sila na ipagpatuloy ang kanilang mabuting gawa sa kapwa saan man sila magpunta.

Masuwerteng numero; 11,13,20,25

ASO (DOG)

Sa araw na ito ay magbabago ang ihip ng hangin. Ikaw na ngayon ang masusunod sa inyong grupo kahit pa hindi ikaw ang pinuno. Ito ay dahil sa isyung kinakaharap ng inyong lider kaya mapupunta sa’yo ang kanilang tiwala.

Masuwerteng numero; 30,35,40,45

BABOY (PIG)

Sa gitna ng pandemic ay mananatiling positibo ang pananaw mo sa buhay. Masuwerte ka dahil nasa tabi mo lang ang tao na palaging nakaalalay sa lahat ng pangangailangan mo at hindi siya magsasawang tumulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 52,55,60,61

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.