30 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 16, 2024

DAGA (RAT)

May makikita kang  ibang option ng mapagkakakitaan bukod sa kasalukuyan mong trabaho ngayon. Pakiramdam mo kasi ay hirap na hirap ka na sa sitwasyon mo sa trabaho kaya naghahanap ka ng ibang option.

Masuwerteng numero; 16,30,32,40

BAKA (OX)

Wala kang mapapala kahit na ano pang pagsisikap ang gawin mo ngayon sa iyong trabaho. Maraming nakapaligid sa’yo na matindi ang kapit at handang gawin ang lahat para hindi mo sila maungusan sa kanilang posisyon.

Masuwerteng numero; 56,67,68,69

TIGRE (TIGER)

May kaibigan kang lihim na naiinggit sa’yo. Ngayong araw ay makakaramdam ko kung sino ito sa iyong mga kaibigan. Sa bibig nahuhuli ang isda kaya mahahalata mo ito sa kanyang mga pananalita. Sa ngayon ay ipagkikibit balikat mo na lang muna ito.

Masuwerteng numero; 14,16,20,23

KUNEHO (RABBIT)

Kahit ayaw mo ay mapipilitan kang pakialaman ang isang mahalagang usapin sa inyong pamilya. Ito ay dahil makikita mo na hindi epektibo ang kanilang mga ginagawang solusyon kaya magsa-suggest ka ng isang magandang plano.

Masuwerteng numero; 9,11,13,25

DRAGON (DRAGON)

Ikaw ang tatayong lider ng grupo nyo ngayon dahil sa pagkakawatak watak ng mga namumuno sa inyong samahan. Makukuha mo ang tiwala ng karamihan ng miyembro kaya ikaw ang pipiliin nila na pansamantalang mamuno.

Masuwerteng numero; 50,51,62,63

AHAS (SNAKE)

Mag-isa mong haharapin ngayon ang iyong problema dahil wala kang ibang tao na maaasahan. Lahat ng malalapit sa’yo ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ngayon kaya walang isa man sa kanila ang makakatulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 26,28,30,31

KABAYO (HORSE)

May hatid na suwerte sa pananalapi ang tao na makakasama mo ngayon kaya samantalahin mo ang pagkakataon na kasama mo siya. Marami kang tips na makukuha mula sa kanya kung paano ang tamang paghawak ng pera.

Masuwerteng numero; 12,13,20,24

TUPA (SHEEP)

 Matatalo ka sa isang sugal na tatayaan mo kung saan magbabakasakali kang kumita ng pera kahit paano. Wala rito ang suwerte mo dahil ang biyayang laan para sa’yo ay hindi magmumula rito kundi sa isang kamag-anak na parating.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

UNGGOY (MONKEY)

May bagong oportunidad na darating para sa’yo. Ito ang magiging pag-asa mo na maiahon sa kahirapan ang iyong pamilya. Kailangan mo lang ng sapat na lakas ng loob para tanggapin ito at pag-isipan ng tamang diskarte.

Masuwerteng numero; 41,46,47,49

TANDANG (ROOSTER)

Ikalilito mo ang sasabihin sa’yo ng dalawang tao. Hindi mo matitiyak kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo at hindi kaya maghahanap ka pa ng ibang tao na mapagtatanungan tungkol sa mahalagang bagay na ito na may kinalaman sa iyong dokumento.

Masuwerteng numero; 11,13,16,21

ASO (DOG)

Mawawalan ka ng gana na tulungan ang isang kaibigan dahil sa mga maririnig mo tungkol sa kanyang mga pinagagagawa. Makakapekto ito ng husto sa inyong pagkakaibigan kaya pansamantala ka munang didistansya.

Masuwerteng numero; 35,38,49,50

BABOY (PIG)

Magiging interesado ka sa isang palabas na makikita mo sa social media. Magbibigay ito ng inspirasyon sa’yo para ituloy ang plano mo na matagal ng nakaimbak sa isip mo. Dahil dito ay muling mabubuhay sa’yo ang interes sa bagay na ito.

Masuwerteng numero; 11,14,15,26

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.