30.6 C
Manila
Thursday, July 18, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 15, 2024

DAGA (RAT)

Mag-ingat sa mga pagkaing kinakain. Malaki ang posibilidad na makaramdam ng labis na pananakit ng tiyan dahil sa hindi maayos na pagkain. Iwasan muna ang magpunta sa mga handaan sa kamag-anak man o kaibigan.

Masuwerteng numero; 13,14,20,30

BAKA (OX)

Magkakaroon ka ngayon ng isang magandang pagkakataon na maipakita sa iyong boss ang natatangi mong kakayahan sa trabaho. Dahil dito ay makukuha mo ang isang proyekto na matagal mo ng inaasam-asam.

Masuwerteng numero; 16,25,30,34

TIGRE (TIGRE)

Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung babalik ka pa sa regular mong trabaho pero maliit ang kita o sa kasalukuyan mong trabaho ngayon na hindi man regular ay di hamak namang mas malaki ang iyong kinikita.

Masuwerteng numero; 5,7,8,9

KUNEHO (RABBIT)

Kahit papa’no ay kikita naman ang negosyo mo sa ngayon. Maisasalba pa rin nito ang gastusin nyo ngayong araw. Sa kabila nito ay makakaramdam ka pa rin ng pananawa sa pag-aasikaso nito na sa tingin mo ay walang nangyayari.

Masuwerteng numero; 40,45,50,55

DRAGON (DRAGON)

Isang kaibigan ang magiging inspirasyon mo para baguhin ang iyong daily routine. Mas gusto mo na maging produktibo sa bawat araw na lilipas kaysa sa nakasanayan mo na lumilipas na lang ang araw na walang nangyayari.

Masuwerteng numero; 56,67,68,71

AHAS (SNAKE)

Isang hindi inaasahang bisita mula sa malayong lugar ang haharapin mo ngayong araw. May dala siyang magandang balita para sa’yo kaya naman hindi mo rin mahihindian ang mga pabor na hihilingin niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 27,33,35,49

KABAYO (HORSE)

Wala kang plano na hingan ng kapalit ang mga nagagawa mong pagtulong para sa isang malapit na kamag-anak. Mas gusto mo na tanawin na lang niya itong utang na loob sa’yo kaysa palitan niya ng kahit na ano.

Masuwerteng numero; 43,46,48,50

TUPA (SHEEP)

Hindi ka mahihirapan na pakisamahan ang isang bagong kakilala. Ito ay dahil marami kayong similarities kaya naman gugustuhin mo pa na maging kaibigan siya kahit sa tingin mo ay medyo malabo dahil sa agwat nyo sa buhay.

Masuwerteng numero; 11,13,20,21

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw ang magiging susi para malaman ng isang kaibigan ang saloobin ng kanyang kamag-anak tungkol sa kanya. Hindi ito sa paraan na sasabihin mo sa kanya kundi dahil sa isang sitwasyon na pare-pareho ninyong kasusuungan.

Masuwerteng numero; 10,11,19,20

TANDANG (ROOSTER)

Malaki ang biyayang magiging kapalit ng kapirasong kabutihan na magagawa mo sa iyong kapwa. Kaya naman labis labis ang magiging pasasalamat mo sa Diyos. Awtomatiko ng ibabahagi mo sa iba ang mga blessings mo.

Masuwerteng numero; 1,2,7,9

ASO (DOG)

Ito na ang tamang panahon para balikan mo ang iyong mga naiwan sa probinsya. Kahit gaano pa kahirap ang harapin mo sa biyahe ay walang makakahadlang sa iyong pagbabalik bayan dahil iniisip mo ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 15,32,34,43

BABOY (PIG)

Sa kabila ng mga negatibong nangyayari sa inyong pamilya ay mananatili ka pa ring positibo. Ayaw mong lahat kayo ay panghinaan ng loob. Sa pagkakataong ito ay sisikapin mo na mas maging malakas para sa kanila.

Masuwerteng numero; 56,60,66,67

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.