30 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 14, 2024

DAGA (RAT)

Marami kang gagawin ngayong araw pero kung ano pa ang mas importante ay iyon ang hindi mo matatapos. Gayunpaman ay sa dami naman ng matatapos mong gawain kahit papa’no ay makakahinga ka na rin.

Masuwerteng numero; 18,35,38,46

BAKA (OX)

Hindi ka mabibigo sa gusto mong mangyari ngayong araw. Bagamat hindi ito ang eksaktong inaasahan  mo ay papabor pa rin sa’yo ang mga magiging kaganapan. Dahil dito ay magkakaroon ka ng kapanatagan.

Masuwerteng numero; 20,30,31,40

TIGRE (TIGER)

Isang kamag-anak na nasa malayo ang nakatakdang magpaalam ngayong araw. Pero wala kayong magagawa kundi ipagdasal na lamang ito dahil wala kayong magiging paraan para makapunta sa kanilang lugar at makiramay.

Masuwerteng numero; 5,10,16,19

KUNEHO (RABBIT)

Ang labis mong kaabalahan sa trabaho ang magiging dahilan upang malipasan ka ng gutom. Hindi ito magdudulot ng mabuti sa iyong isip at katawan kaya iindahin mo ito ngayong araw at sa mga susunod pa.

Masuwerteng numero; 44,47,50,52

DRAGON (DRAGON)

Tulad ng mga nakaraang araw ay magiging mailap pa rin para sa’yo ang suwerte. Hindi pa ngayon ang araw na dadapo sa palad mo ang suwerte. Sa halip ay patuloy ka pa ring maghihintay at aasa sa mga biyayang parating.

Masuwerteng numero; 30,32,45,47

AHAS (SNAKE)

Tuloy pa rin ang pagtatrabaho mo kahit sobrang hirap para sa’yo ang transportasyon. Mas mabuti na ito kaysa back to zero dahil alam mong hindi lang ikaw ang apektado ng husto kundi maging ang buo mong pamilya.

Masuwerteng numero; 14,15,20,22

KABAYO (HORSE)

Matatapos ngayon ang maalwan at masayang araw mo dahil muli ka ng sasabak sa mahirap na trabaho. Sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo itong harapin kung ayaw mo na maranasan ang gutom na nararanasan ng marami.

Masuwerteng numero; 60,63,76,79

TUPA (SHEEP)

Iikot ang maghapon mo ngayon sa pakikipagnegotiate sa isang tao para sa bubuksan mong negosyo. Gagawin mo ang lahat para makumbinsi siya na pagbigyan ang pabor na hinihingi mo. Mahihirapan kang suyuin siya.

Masuwerteng numero; 7,9,10,13

UNGGOY (MONKEY)

May maganda kang mapapala sa pakikipagkaibigan mo sa isang tao na may positibong pananaw. Mahahawa ka sa kaliwanagan ng kanyang utak kaya magkakaroon ka ng idea para sa mga magagandang plano.

Masuwerteng numero; 52,63,64,69

TANDANG (ROOSTER)

Sa wakas ay matutugunan na ngayon ang matagal mo ng hinaing tungkol sa isang mahalagang bagay na may kaugnayan  sa patakaran sa inyong lugar. Tutugunan ito ng ilang mataas na opisyales na iyong makakausap.

Masuwerteng numero; 70,75,80,84

ASO (DOG)

Ang balak mong pag-uwi sa inyong probinsya ay mauudlot. Hindi ito matutuloy dahil sa ilang problema na susulpot para ka makabiyahe. Wala kang magagawa kundi maghintay pa ng tamang pagkakataon upang makauwi.

Masuwerteng numero; 33,37,41,42

BABOY (PIG)

Malulusutan mo na rin sa wakas ang mahirap na sitwasyon na kinasuungan mo dahil sa iyong kapabayaan at kalituhan. Isang malapit na kaibigan ang siyang makakatulong sa’yo para malampasan mo ito ngayon.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.