26.9 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 13, 2024

DAGA (RAT)

May mga bagay kang aasikasuhin ngayong araw na may kinalaman sa ilang mahahalagang dokumento ng inyong pamilya. Ito ang pagtutuunan mo ng pansin mo ngayon. Mauubos ang oras mo sa pagsasaayos ng mga ito.

Masuwerteng numero; 17,20,27,34

BAKA (OX)

Ngayon mo maiintindihan kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin sa paraan ng pakikitungo sa’yo ng isang tao. Pero hindi ka na tulad ng dati na magpapauto pa at magpapalinlang sa tamis lamang ng mga pananalita.

Masuwerteng numero; 45,56,57,60

TIGRE (TIGER)

Matagal ka ng nagtitimpi ng iyong emosyon sa isang kamag-anak na dati mo pang nakakabangga sa maliliit lang na bagay. Ngayon ay mahihirapan ka ng kontrolin ang iyong emosyon kaya aalpasan mo na ito sa harap niya mismo.

Masuwerteng numero; 9,18,23,24

KUNEHO (RABBIT)

Ito na ang tamang panahon para makabalik ka sa trabaho na minsan mo ng tinalikuran hindi lamang dahil sa pandemya kundi talagang ayaw mo na. Wala kang mapagpipilian sa ngayon kundi tanggapin ito at pagsikapang muli.

Masuwerteng numero; 10,11,13,24

DRAGON (DRAGON)

Dahil bilog ang mundo ay hindi mo mapipigilan ang pag-ikot nito. Oras na para mapunta ka naman sa bandang itaas. Samantalahin mo ang magandang pagkakataon at panatilihin ang pagiging mapagpakumbaba.

Masuwerteng numero; 7,11,20,22

AHAS (SNAKE)

Sa sitwasyon ngayon ng inyong pamilya ay hindi na ikaw ang masusunod. Kung sino ang kumikita ng pera ay ito na ang pakikinggan. Matatanggap mo naman ang ganitong sistema dahil naranasan mo na rin naman.

Masuwerteng numero; 46,47,50,58

KABAYO (HORSE)

Makakaramdam ka ng labis na pagkainip ngayong araw dahil sa kawalan ng magawa. Ang buong maghapon mo ay iikot lamang sa pagkain, pagtulog at sa social media.  Ilang araw pang magiging ganito ang routine mo.

Masuwerteng numero; 64,66,69,75

TUPA (SHEEP)

Makakabasa ka ng isang libro na makapagpapaalala sa’yo sa isang tao na bahagi ng iyong nakaraan. Pinaghalong saya at lungkot ang iyong mararamdaman dahil dito at magiging laman din siya ng isip mo hanggang sa pagtulog.

Masuwerteng numero; 32,44,45,51

UNGGOY (MONKEY)

Iwasan mo muna ang kape. Kahit gustong gusto ito ng iyong panlasa at sikmura ay hindi naman maganda ang idudulot nito sa iyong kalusugan. Huwag mong kakalimutan na ang lahat ng sobra ay masama at nasosobrahan ka na rito.

Masuwerteng numero; 11,12,19,20

TANDANG (ROOSTER)

Magiging maganda ang gising mo dahil sa tao na nagbibigay ng inspirasyon sa’yo. Ang kanyang mga salita ay parang awit sa iyong pandinig kaya naman sa mga oras na makakasama mo siya ngayon ay daig mo pa ang nasa heaven.

Masuwerteng numero; 8,18,20,26

ASO (DOG)

Malaki ang posibilidad ng disgrasya sa’yo ngayong araw kaya piliin na lang na huwag na munang lumabas lalo na kung hindi naman life and death ang dahilan. Mas magiging ligtas ka sa loob ng inyong tahanan ngayon.

Masuwerteng numero; 2,3,5,6

BABOY (PIG)

No choice ka sa araw na ito kundi ang magsakripisyo para sa iyong mahal sa buhay. Kung hindi mo ito gagawin ay hindi ka rin naman magkakaroon ng katahimikan kaya mas pipiliin mo na ito para sa ikapapanatag ninyong pareho.

Masuwerteng numero; 1,4,16,17

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.