31.6 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hulyo 8, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo maikukumpara ang sitwasyon mo ngayon sa sitwasyon mo noon dahil magkaiba naman ang mga tao na kasama mo. Ibang pakikisama at iba rin ang landas na tinatahak nyo. Magpokus ka na lang sa iyong kasalukuyang buhay.

Masuwerteng numero; 16,20,26,30

BAKA (OX)

Wala kang dapat ipag-alala. Hindi ka madedehado sa iyong kaibigan. Hindi man buo ang tiwala mo sa kanya ay hindi naman niya iniisip na lamangan ka kaya tama lang ang naging desisyon mo na ipabahala sa kanya ang lahat tungkol sa negosyo.

Masuwerteng numero; 9,26,28,35

TIGRE (TIGER)

Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip na pasukin ang isang bagay na hindi mo pa kabisado. Alam mo na marami ka pang dapat matutunan dito at mas makakabuti kung pag-aaralan mo muna itong mabuti bago ka sumige.

Masuwerteng numero; 1,3,4,10

KUNEHO (RABBIT)

Ikatutuwa mo ang magiging desisyon ng isang kamag-anak tungkol sa lupang pinag-aawayan ng inyong angkan. Apektado na ang bawat  pamilya nyo dahil sa hindi pagkakaintindihan kaya dapat lang na pagdesisyunan na ito.

Masuwerteng numero; 7,17,20,22

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka makukuntento sa balitang malalaman mo tungkol sa isang nakatatandang kapatid na nasa malayo. Gusto mo na malaman ang buong pangyayari at ang tunay niyang kalagayan kaya maghahanap ka pa ng paraan para malaman ito.

Masuwerteng numero; 45,47,50,55

AHAS (SNAKE)

Mabibigla ka sa magiging desisyon ng iyong boss sa araw na ito. May kinalaman sa naging sigalot nyo ng isang kasamahan sa trabaho. Ikaw ang mas matagal na sa trabaho pero mas papaboran niya ang baguhan.

Masuwerteng numero; 18,20,23,24

KABAYO (HORSE)

Super stress ka sa araw na ito. Hindi mo ito maiiwasan kahit na anong iwas ang gawin mo dahil wala kang reason para lumabas ng bahay. At ang mga kasama mo mismo sa bahay ang magbibigay sa’yo ng sakit ng ulo.

Masuwerteng numero; 30,35,37,42

TUPA (SHEEP)

Bago ka magbitaw ng salita sa isang tao ay pakaisipin mo muna itong mabuti. Dahil ang simpleng salita mo lang kahit hindi mo intensyon ay makakasakit pa rin at tatatak sa isip ng makakaharap mo ngayon. Ikaw din ang mapupulaan.

Masuwerteng numero; 61,62,70,73

UNGGOY (MONKEY)

Dahil bored ka na kaya pagbibigyan mo ang isang kaibigan na lumabas kayo at mag-unwind sa kabila ng nakaamba pa ring panganib ng pandemya sa labas. Walang makakapigil sa inyong pagsasaya kahit panandalian lamang.

Masuwerteng numero; 16,18,20,22

TANDANG (ROOSTER)

Muli kang makakasalamuha ng isang tao na walang palabra de honor. Kaya naman maging maingat ka sa gagawin mong pagdedesisyon. Huwag kang kakagat sa isang plano na walang kasiguruhang kabayaran dahil masasayang lang ang effort mo.

Masuwerteng numero; 13,14,15,20

ASO (DOG)

Huwag ng maging matigas ang ulo. Alam mo kung anu-ano ang mga ipinagbabawal sa’yo ng doktor. Dapat mo itong sundin. Lalo na ngayon na malaki ang posibilidad na malagay sa alanganin ang kalusugan mo.

Masuwerteng numero; 5,7,9,10

BABOY (PIG)

Maging matalingo sa pagtanggap ng proyekto. Kung hindi mo ito talaga gusto at alam mo na wala naman itong buting maidudulot sa’yo ay huwag mo ng tanggapin. May nakalaan na tamang proyekto para sa’yo.

Masuwerteng numero; 50,51,53,63

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.