26.9 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hulyo 7, 2024

DAGA (RAT)

Alam mong hindi mo dapat masamain ang payo na ibinibigay sa’yo ng nakakatanda sa pamilya. Pero kahit na anong gawin mo ay iba pa rin ang pakahulugan nito sa’yo. Hindi mo pa rin maiwasan na mag-isip sa tunay niyang intensyon.

Masuwerteng numero; 35,40,45,50

BAKA (OX)

Malalaman mo na ngayon kung sino ang nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo sa iyong mga anak. Tunay ngang sa bibig niya nahuhuli ang isda dahil sa bibig din mismo ng iyong anak manggagaling ang katotohanan.

Masuwerteng numero; 14,15,20,24

TIGRE (TIGER)

Kung nagkamali ka man sa trabaho ay alam mong maliit na bagay lang ito kumpara sa malalaking bagay na nagawa mo para rito. Pero mabibigla ka dahil ang inaakala mong maliit na bagay lang ay magagawa nilang palakihin.

Masuwerteng numero; 7,17,20,21

KUNEHO (RABBIT)

Dahil ikaw ang wala kaya ikaw ang magiging laman ng usapan ng iyong mga kaibigan. Kabahan ka na dahil malaki ang posibilidad na isa sa kanila ang magbunyag ng iniingatan mong lihim. Madidisappoint ka sa kaibigang pinagkatiwalaan mo.

Masuwerteng numero; 11,16,35,36

DRAGON (DRAGON)

Ikatutuwa mo ang biglaang paglago ng iyong negosyo. Wala ka namang matatandaan na bagong diskarte na ginawa mo. Ipinagpapatuloy mo lang kung ano ang iyong nasimulan. Ngayon mo mapapatunayan kung paano magmaniobra ang Diyos.

Masuwerteng numero; 5,12,13,20

AHAS (SNAKE)

Magiging abala ka ngayon sa bagong proyekto na nakaatang sa’yo. Bagamat may kahirapan ito ay hindi mo maaalintana dahil may grupo ka na masaya at masarap kasama sa pagbuo ng proyektong ito. Sila ang kaagapay mo.

Masuwerteng numero; 40,46,50,52

KABAYO (HORSE)

Walang mawawala kung ikaw ang siyang magpapakumbaba. Pero kung hindi pa bukal sa loob mo ang pagpapatawad at gawin ang pagpapakumbaba ay hayaan mo na muna at bigyan pa ng panahon ang sarili na makapag-isip.

Masuwerteng numerol 19,22,33,39

TUPA (SHEEP)

Isang dating kakilala ang darating at magbibigay sa’yo ng tip tungkol sa isang tao na matagal mo ng hinahanap. Magdadalawang isip ka kung paniniwalaan siya o hindi dahil may record siya sa pagsasabi ng hindi totoo.

Masuwerteng numero; 15,16,28,34

UNGGOY (MONKEY)

Work,work,work. Iyan na muna ang pagtutuunan mo ng pansin sa ngayon dahil iyan talaga ang kailangan mo. Kulang na lang ay malunod kayo sa mga bayarin kaya gagawan mo muna ng paraan na kayo ay makaahon.

Masuwerteng numerol 1,3,12,24

TANDANG (ROOSTER)

Maiibsan ang pangungulila mo sa yumao mong kapatid sa pagdating ng kanyang mga anak. Malungkot man ang maging pag-uusap nyo dahil sa kanya ay magiging masaya ka pa rin na muli mo silang makita at makasama.

Masuwerteng numero; 50,57,67,69

ASO (DOG)

Wala kang magagawa sa ngayon. Hindi mo mapipilit na sang-ayunan ka ng isang tao na inituring mo na halos na malapit mong pamilya. May kinalaman ito sa lupa ng inyong angkan at hindi mo siya masisisi sa kanyang sariling desisyon.

Masuwerteng numero; 70,72,73,80.

BABOY (PIG)

Ang pag-aalala mo tungkol sa iyong mga mahal sa buhay na nasa malayo ay maiibsan ngayon dahil makakatanggap ka ng tawag mula sa isa sa kanila at kukumpirmahin niya na maayos ang kanilang kalagayan.

Masuwerteng numero; 5,7,9,12

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.