28.8 C
Manila
Monday, May 27, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 17, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo mapipigilan ang emosyon sa labis na pasasalamat sa isang tao na tutulong sa’yo kahit hindi mo naman siya kilala. Ngayon ay maniniwala kang marami pa ring maituturing na anghel sa lupa na makakaramay mo.

Masuwerteng numero; 15,26,30,31

BAKA (OX)

Kahit pa marami ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon ng bansa ay malaki pa rin ang iyong pasasalamat na maayos ang iyong kalagayan sampu ng iyong pamilya. Ang kailangan  nyo na lang ay patuloy na makiisa.

Masuwerteng numero; 8,18,20,22

TIGRE (TIGER)

Ngayong araw ay masusubok ang katatagan mo sa pagharap sa pagsubok. Sanay kang maraming tumutulong sa’yo sa bawat pinagdaraanan mo subalit ngayon ay wala kang ibang maaasahan kundi ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 56,67,68,73

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo matatapos ang lahat ng mga pinlano mong gawin ngayong araw. May mga kaanak na makaaabala sa’yo. Kaya naman ang mga naiwang gawain ay ipagpapatuloy mo na lang sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 10,11,13,20

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka maaagrabyado sa kasalukuyan mong trabaho. Made-delay lamang ang mga tulong na hinihintay mo pero darating at darating pa rin ito sa’yo. Suportado rin ng mga kasamahan mo ang bawat isa sa inyo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 6,16,26,34

AHAS (SNAKE)

Ang inaasahan mo na solusyon sa problema mo ay hindi pa darating ngayong araw. Gayunpaman, meron pa rin namang mga tao sa iyong tabi na magiging kaagapay mo sa mga pangangailangan mo sa bawat araw.

Masuwerteng numero; 25,26,33,45

KABAYO (HORSE)

Mananatili kang naguguluhan sa itinatakbo ng inyong relasyon. May mga katanungan ka kasi na hindi pa niya mabibigyan ng sagot sa ngayon kaya naman patuloy itong magiging palaisipan sa’yo at magpapagulo ng isip mo.

Masuwerteng numero; 5,7,8,19

TUPA (SHEEP)

Mas magiging maayos na ang kalagayan mo ngayon kaysa nitong mga nakaraang araw. Dahil dito ay magkakaroon na ng kapanatagan ang iyong pamilya. Lalo na ang iyong sarili na ilang gabi ring hindi nakatulog ng ayos.

Masuwerteng numero; 45,46,54,56

UNGGOY (MONKEY)

May ilang katrabaho kang magpapahayag ng kawalan ng tiwala sa’yo. Pero hindi sila ang sisira sa araw mo. Handa kang patunayan sa kanila ang iyong kakayahan at paninindigan mo ang tiwala mo sa iyong talento.

Masuwerteng numero; 10,20,22,23

TANDANG (ROOSTER)

Mauubos ang pasensya mo sa isang kaibigan na sa iyong palagay ay umaabuso na sa ibinibigay mong tulong. Bukal  sa kalooban mo ang iyong ginagawa subalit hindi katanggap tanggap sa’yo ang pag-abuso rito.

Masuwerteng numero; 17,20,27,30

ASO (DOG)

Isang pakiusap ang matatanggap mo mula sa isang malayong kaanak. Mahigpit ang pangangailangan niya ng tulong kaya naman hindi ka magdadalawang isip na umisip ng paraan kung paano siya matutulungan.

Masuwerteng numero; 3,5,8,9

BABOY (PIG)

Maganda ang araw na ito para sa’yo at sa iyong pamilya dahil sa mga biyayang parating. Hindi man ito kasinglaki ng inaasahan nyo ay malaki pa rin ang maitutulong sa hirap na pinagdaraanan nyo ngayon kaya magpasalamat.

Masuwerteng numero; 24,25,37,40

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.