26.9 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Online Horoscope Hunyo 26, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Nasa mataas na level ngayon ang pagiging positibo mo. Kung anuman ang iyong isipin at hilingin, tiyak na magkakatotoo. Humiling ka na ngayon at ito ay  ipagkakaloob ng langit. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 3, 18,  27, 29, 34, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ngayong halos maubos na ang pera mo dahil sa nakarang gastusin, hindi ka dapat malungkot. Dahil ibabalik ng langit ng doble-doble pa sa isang kisap mata, ang lahat ng iyon nagastos mo at nawala sa iyo. Ang kundisyon, ituloy mo lang ang pagiging may mabuting puso at madasalin. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 17, 25, 29, 42, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Mamili kang mabuti ng mga taong dapat na samahan. Lalapitan ka ng mga hindi gaanong kagandahang kapalaran kapag nakadikit ka sa mga taong reklamador at malulungkutin sa buhay. Lalapitan ka naman ng suwerte at magagandang kapalaran kapag ang lagi mong kasama ay ang mga taong masayahin at may positibong kaisipan. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 3, 12, 24, 29, 34, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag nagkaroon ka ng mabigat na problema ngayon. Lihim kang magpasalamat dahil kailangang mapagdaanan mo ito at pagkatapos ay darapo sa iyo ang isang napakalaking buenas. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4,  19,  28, 34, 36, 44.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sumusuko rin ang langit sa mga taong makukulit at mapagpilit. Huwag kang hihinto hanggang hindi mo nakukuha ang iyong gusto. Aayunan ka na ng nasa itaas, kaya ang lahat ng mga sulirinin ngayon ay mapapalitan ng mga pagpapala at bultong mga suwerte sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mayaman ang iyong kaisipan kaya ikaw ay isang malikhain at may masining na abilidad. Gamitin mo ang lahat ng ito sa dalawang bagay lamang, paglilingkod sa kapwa at sa mga nangangailangan at pagpapayaman. Wag kang tumanggi, dahil iyan ang inaatas sa iyo ng iyong kapalaran.  Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 5, 18,  23, 32, 37, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Kahit papasok na ang panahon ng tag-ulan, magara pa rin ang iyong magigig kapalaran. Mangyayari sa iyo ang pamumulaklak. Ito ang isa pang pangalan ng araw na ito para sa ‘yo. Ibig sabihin ang mga hirap na iyong ipinuhunan sa nagdaang panahon ay tuloy-tuloy ng mamumunga ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Dahil nagpakita ka ng labis na kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa nitong nakaraang kapaskuhan, binuksan ang pintuan ng grasya ng langit para sa iyo. Darating na sa susunod na buwan ang mas maraming biyaya at mga pagpapala hindi lamang sa iyo kundi sa buong pamilya. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 1, 16, 25, 34, 38, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Makisakay ka sa agos ng buhay ngayon.  Isa isantabi mo muna ang pagiging seryoso at makibahagi ka sa mga pagsasaya. Tandaan mong ang taong masayahin ang siyang inaasintang dapuan ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 4, 17, 22, 37, 40, 43

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Umuusok ang kuwento tungkol sa iyong kaunlaran. Ituloy mo pa ng ituloy ang iyong mga pagsisikap, nanonood ang nasa itaas, kaya umasa kang lalo ka pang payayamanin ng langit. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18)  Hindi ka dapat magpabago-bago ng isip. Kung ano ang nasabi mo na, wag mong babaguhin pa. Kinikilala ka at hinahangaan sa pagkakaroon ng paninindigan. At habang nananindigan ka patuloy na darating sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  6, 12, 18, 32, 33, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Katuparan ng mga pangarap ang kahulugan ng araw na ito. Kaya mangarap ka lang ng mangarap at ang pangarap mo ay tiyak na matutupad. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 7, 22, 26,  35, 39, 41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.